#3

743 10 2
                                    

"Uy, sino yang kasama ni PJ?"

"Taga ibang school. Si Mia yan" Ang saya saya nilang nagkwekwentuhan. Baka mamaya niyan, ma snatch niya sakin si PJ. Di pwede!

"Tara! Ligawan natin!" Sabi ko kay Lyndon. Nanlaki naman yung mga mata niya.

"Nababaliw ka na ba?!? Babae ka eh!" Sabi ko nga.

"Eh di, ikaw nalang yung manligaw!"

"Ayoko nga. Di ko type." Di daw niya type. Eh ang ganda at sexy nga nung girl eh.

"Ah basta. Ako nalang manligaw." Minsan lang sa buhay ko to gagawin. Nasiraan na siguro ako ng bait. Bahala na kesa sa mawala sakin si PJ. Di ko kakayanin yun.

Hinawakan ko yung kamay ni Lyndon, "Suportahan mo nalang ako, Ok?" Sabi ko sa kanya. Um-oo naman siya. Lels.

"Oy Pare sino yan? Chiks mo?" Sabi ko kay PJ. Natatawa at the same time nandidiri na talaga ako sa sarili ko. Yuck pare daw.

"Uhm.." Tumayo naman silang dalawa.

"Childhood friend ko nga pala, si Mia. Mia si JC and Lyndon." Tapos nag handshake lang kami.

Okay. Maganda siya. Mas maganda nga siya sakin and sexy pa! Pang model yung katawan eh.

"So eto ba yung sinasabi mo sakin?" Ngumiti naman yung babae. Akala niya siguro siya nga.

"Anong sinasabi mo?" Sus! If I know!

Tumahimik lang kaming apat for some minutes. Si Eungyeol mukhang bored na ata.

"Kamay mo" Sabi ni Lyndon.

"Ha?" Kinuha niya naman yung kamay ko. "Ano ba yang ginagawa mo?"

"Ring" sabi niya

"Anong ring naman yan hahaha bakla ka ba pare?" Nanlaki naman yung mga mata niya, nakalimutan niya siguro na LALAKE AKO. Patay siya sakin mamaya.

Hawak niya pa rin kamay ko. Tumingin ako kay PJ. Nakatingin siya samin, at yung mukha niya.. parang hindi ko ma-describe. Selos ba siya? Hindi naman siguro.

"Hindi no, kasya mo pala to, bibigay ko sana to sa bestfriend kong babae eh." tapos kinuha na niya yung ring.

"Eh bakit hindi mo ibigay?"

"Eh kase..." 

"Nasa ibang bansa na siya." Ah kaya pala.. sayang naman.

Nanahimik lang yung dalawa. Si Mia, hindi siya friendly, tahimik siya na tao actually.

"So JC, dormmate pala kayo ni PJ?" Tanong ni Mia sakin.

"Uhm.. oo pano mo nalaman?" 

"Nasabi kasi ni PJ sakin." Sinabi ni PJ sa kanya??

"Okay lang ba kung...mag oovernight ako dun sa dorm niyo?"

Overnight....? SAY WHAT?!

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon