#10

630 26 16
                                    

#10

University Days ng school namin ngayon. Kasama ko lang si Lyndon buong araw. Di na kasi ako pinapansin ni PJ... Simula nung nangyari yung insidente, nagkailangan na kami. Kahit nga sa dorm ay hindi kami nag papansinan. As in, HINDI NA TALAGA.

Ang boring na nga ng life ko eh! Pakiramdam ko nasayang lahat ng effort ko. Hindi kaya madali ang magpanggap na lalaki. Pero para sa kanya.. hindi pa rin ako susuko.

Hindi pa naman GAME OVER.

Malayo pa ang FINISH LINE.

Marami pa ang pwedeng mangyari. Pwede pang magbago ang lahat.

"JC! Buhatin mo nga 'to" Sabi ni Antonin. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ako umalis sa booth. Kasi naman, UUTUSAN nanaman niya ako. 

"Dude.. may gagawin pa kasi ako." Sabi ko nalang.  Pero sa totoo, tinamad lang talaga ako. Hindi, erase, erase. Sino ba naman ang gustong magbuhat ng isang gallon ng tubig? Nakakapagod kaya. Wala pa naman akong strength. Ugh. I'm still a girl, remember?

"Mamaya nalang yan. Oh eto buhatin mo." Sabay pasa sakin ng gallon. Hinawakan ko ito at akmang bubuhatin na sana, nang napamura ako.

"Sht. Ang bigat." mahinang sabi ko.

"May sinabi ka?" Inis na sabi ni Antonin sakin. Bakit ba siya naiinis eh samantalang ako hirap na hirap na dito! Siya? Nakaupo lang naman sa isang banda habang pinapaypayan ang sarili. 

Gusto kong sipain ang mukha niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Mahal kasi ang sapatos na suot ko. Baka pag sipa ko sa makapal niyang mukha, masira ito. Regalo pa naman sakin to ng kuya ko. Kaya wag nalang.

"Wala" Bubuhatin ko na sana ang gallon ng water nang may umagaw nito galing sa pagkakahawak ko. Ang kapal ng mukha. Gusto ko na gawin yung pinagawa sa akin ni Antonin para matapos na agad.

Nagalit na sana ako eh. Napamura na sana ako eh. Nasipa ko na sana siya eh. Pero... pagtingin ko sa taong nakahawak na ngayon sa gallon ng tubig, walang iba kundi si PJ.

"Ako nalang" Hindi ko na ulit naagaw yun kasi binuhat na niya ito at dinala sa booth namin.

Ako? Eto, tulala parin. 

Pero...nahawakan niya yung kamay ko!

Ang saya saya!!

Nilagay ko ito sa pisngi ko at hinalik halikan ito. Pagkatapos ay tumakbo ako papalapit kay Antonin. Yung ngiti ko abot sa tenga!

"Master Antonin! May iuutos ka pa ba?" I said happily sabay takbo palayo. Joke lang! Ayoko na magpautos noh! Pupuntahan ko nalang si PJ myloves. Tama, pupuntahan ko nalang siya at mag Thank you! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon