#5

656 10 1
                                    

Andito kami ngayon sa dorm. Kasama namin siya. Sino? Basta siya. Ayokong sabihin yung pangalan niya kasi nandidiri ako sa existence niya. At baka rin kasi mahawaan niya ako sa kalandian niya.

"Wow is this you PJ?" She's currently looking at PJ's pictures.

"Ano to?" Sabi niya. Pag tingin ko, isang malit na notebook. Hindi ko yun diary kasi mas maliit pa yung sakin. Kinuha naman kaagad ni PJ at niligpit sa ilalim ng desk niya.

"Wag ka ngang mangialam." Halatang wala sa mood si PJ ngayon. Bakit kaya?

"Bakit ang sungit mo PJ? Hindi ka naman ganyan nung bata pa tayo ah!" Si PJ, wala lang. Ayaw niya ata dun sa girl eh.

"What now PJ? Sabi mo nga sakin hihintayin mo ko hanggang sa ready na ko maging girlfriend mo. Pero.. anong nangyari? Hindi mo na ba ako mahal? May ibang mahal ka na ba? Sino siya?"

"Tumahimik ka nga! Matulog ka na. Wala ako sa mood makipag talo sayo."

"Answer me PJ! Why can't you look at me?!" Naiiyak na yung girl. Si PJ naman halatang naiinis na sa kanya. Ako? Eto nanonood na parang sa sine lang, kulang nalang siguro popcorn.

"OO! Hindi na kita mahal! Layuan mo na ako dahil may mahal na akong iba. At kahit kailan man ay hinding hindi na ako babalik pa sayo!" Lumabas si PJ. Susunod sana si Mia sa kanya kaso pinigilan ko siya.

"Matulog ka na. Bukas, maaayos din lahat." 

Pinahiran niya yung luha niya at nagsalita.

"Siguro nga. Siguro, stress lang siya kaya niya nasabi yun. Alam ko... mahal niya pa rin ako. Sige, salamat JC."

Pumunta siya sa kama ni PJ at humiga. Langya talaga.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko.  Ang tanga ko pa naman para umasa kay PJ eh may mahal na pala siyang iba eh...

Natulog nalang ako.

Nagising ako nung naramdaman kong parang may humawak sa paa ko.

Sisigaw na sana ako pero pinigilan ako ni PJ.

"Okay lang ba kung tabi tayong matulog?' 

"Uh.. yeah."

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon