#6

670 12 2
                                    

"PJ..." Tulog na ba siya? kinilig pa rin ako eh. Lels. Wag kang magpahalata JC....

"Ano?"

"Bakit ganun ka nalang kung umasta kay Mia? Anong ginawa niya sayo? Ex mo ba siya? bitter ka pare?" Ay hahaha. Pare daw eh!

"Dahan dahan lang sa mga tanong... isa lang muna ang sasagutin ko. Ano bang gusto mong malaman?"

"Ka ano-ano mo siya?"

"Childhood friend ko si Mia. At gusto ng parents namin na ikasal kaming dalawa. Pero ayoko."

 

"Ano?!" Nagulat ako dun sa sinabi niya. Ikasal?! Hindi pwede! ako lang ang babae pwede mong pakasalan PJ!

"SSHHH! Wag ma ingay. wag mo na ding sabihin sa iba... wala pa kasing nakakaalam maliban sayo." Maliban sakin?

 

"Is it some sort of... Arrange Marriage?" Pagtatanong ko.

"Oo..mag bestfriends kasi yung parents namin. Gusto nila na kami ang magkatuluyan sa huli. Ewan ko sa kanila. Hindi naman nila ako naiintindihan." Kawawa naman si PJ. Paano na yan? Sana may magawa ako para makatulong sa kanya. Ayoko naman ring ikasal siya sa iba.

 

"Anong plano mo?"

 

"Anong plano ang pinagsasabi mo?"

"Wag mong sabihing...magpapakasal ka sa kanya pare?! Ang daldal kaya nun.. atsaka nakakairita siya! Gusto mo siya?" Sige pa JC! Dapat ma turn-off si PJ sa kanya.

"Isa lang naman ang pwede kong gawin..."

 

"Ano?"

 

"Dapat maghanap muna ako ng Girlfriend. Tapos ipakilala ko kela Mommy at Daddy para tigilan na nila ang kasalan na yan.." Pagsabi niya nun, parang gumuho ang mundo ko. Yun na ata ang pinaka masaklap na bagay na narinig ko mula sa kanya, yung maghanap siya ng iba.... bakit pa? Andito naman ako. Mamahalin kita PJ. Sana Ako nalang.......Ako nalang PJ....

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon