#1

1.3K 18 1
                                    

"Babae ka? Bakit ka nandito? This school is exclusively for boys only! Alam mo naman yun diba?" Sabi ni Lyndon, bestfriend ko. Natatawa ako sa mukha niya! Halatang na shoshock siya sa mga sinabi ko eh. Di daw kapanipaniwala.

"Totoo nga. Bakit ba hindi ka naniniwala?" Oo, I'm a girl and I'm currently studying in a school that's exclusively for boys only! Eh ano naman ngayon?

"Hindi naman sa hindi ako naniniwala. It's just that.. bakit mo ba ginagawa to?"

"Kasi, gusto ko."

 

Andito kami ngayon sa hallway at nakasalubong namin si..... PJ!. Siya yung rason kung bakit ako nandito.

"Oy! PJ! Alam mo na ba yung totoo? si JC actually siya ay isang baba----" Ang ingay neto! Muntikan na yun ah!

"Ah, wala wala. PJ gusto lang niyang sabihin na---" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko, dahil nag walk out siya! wow! Hindi man lang siya interesado sa sasabihin ko. Pero mabuti naman kung ganun kasi, hindi ko naman talaga alam kung ano yung sasabihin ko sana sa kanya.

 

"Wag ka ngang maingay. Baka mamaya makahalata siya..."

 

"Na babae ka?"

"SSSHH" Nilagay ko yung kamay ko sa bibig niya. Naglalabasan na kasi yung iba pang mga estudyante sa kani kanilang mga dorms.

"Dapat lang na malaman niya noh! Dormmate mo kaya siya!"

"Hindi! Hindi pwede!" Yung mukha niya hindi na maipinta. Halatang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.

"Basta ha wala kang sasabihan kahit na sinuman. Promise?" Nag iba naman yung expression ng mukha niya.

"Okay fine. Sa isang kondisyon."

 

 

"Ano?"

"Sabihin mo muna sa akin kung bakit ka nandito." 

 

 

 

"Fine, I'll tell you."

 

"Ganito kasi yun. Andito ako sa school niyong mga lalaki kasi,"

 

"Kasi ano?"

 Huminga ako ng malalim....

"Kasi, gusto kong pakasalan si PAUL JOHN."

"Ano?!?!"

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon