#7

688 20 5
                                        

"Tol... bakit ka pa maghahanap ng iba? Ibig ba sabihin nun hindi mo siya mahal?"

"Obvious ba? Ayoko sa babaeng yun.." Napangiti naman ako nun. Pero syempre patago lang. Mahirap na baka pagsabihan niya pa akong bakla o kaya baliw.

"Pero sabi niya sayo kanina na hinintay mo daw siya dati, at hindi mo na ba daw siya mahal?" 

"Dati kasi.. magkaibigan talaga kami. Yung super close talaga. Pumasok ako sa school na ito na para sa mga lalaki lang, at ayaw niya talaga kasi di niya gustong humiwalay sakin. Di naman pwedeng habang buhay siya dikit ng dikit sakin. Bestfriends lang kami... bestfriend lang din ang turing ko sa kanya. Kaya ko lang naman nasabi yun para tantanan na niya ako. Pero after ng isang taon, nagbago siya eh. Ayoko na sa ugali niya. Ewan ko kung bakit nagkaka ganyan sya. Mabait naman siya dati."

"Hirap naman ng kalagayan mo tol... kung ako sayo..."

"Ano?"

"Wag ka nang maghanap pa ng iba! Takasan mo yung family mo...magpakalayo-layo ka... gusto mo samahan pa kita?"

"Baliw! Di naman ata pwede yun no. Mahal ko naman din parents ko. Yung kasal lang talaga problema..."

Ayan! Sinabihan na niya akong baliw! Ano naman kaya yung pumasok sa kokote ko at nasabi ko yun. Pero totoo naman talaga, ayokong maghanap siya ng iba.

"Matulog nalang tayo tol... baka bukas pag gising mo maayos na din ang lahat... Wag kang mag-alala, andito naman ako... Ang fairy-Godfather mo!" Muntik ko na sanang sabihin ang "Fairy-Godmother" Ay! buti nalang talaga at hindi ko nasabi.

"Aray!" Batukan ba daw ako?!

"Baliw ka talaga.... JC."

The next day//

"AAAAAAAAHHHHHHHHH!" Ay tokwa! Umagang umaga eh ang ingay ingay! Pagtingin ko dun sa sinong sumisigaw... Si Mia.

"A-anong g-ginagawa niyong dalawa?!" Nauutal niyang sabi habang tinuturo kaming dalawa ni PJ.

Speaking of PJ...

O__________O

Bakit siya nakayakap sakin?!

"PJ! Gising na oy!"

"Bakit ang ingay niyo?" Dumilat naman siya at pagkatapos ay bumaba sa kama. Parang wala lang sa kanya ah. Ako naman... sobrang kinikilig na. Ang hirap pala itago ang kilig no?

"Bakit kayo magkayakap?" Pagtatanong ni Mia kay PJ. Si PJ naman eh hindi na sumagot at dumiretso sa C.R

Bumaba na rin ako sa kama pagkatapos ko itong ayusin. 

"Morning Mia... kumusta tulog mo?" 

"It was... good." Pumunta naman siya sa may sofa at umupo. If I know, nagluluksa siya kasi di sila tabi natulog ni PJ! Haha.

Lumapit naman ako sa tapat ng ng C.R at kinatok ito...

"PJ, dalian mo... maaga pa klase ko.."

Nagulat ako nung binuksan niya yung pintuan at hinila ako papasok.

Ano na naman kayang klaseng trip to?!

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon