#8

653 18 10
                                    

"Ano kailangan mo 'tol?" 

"Sabay nalang tayo maligo.." HANURAAAW?! Hindi pwede! Babae pa rin ako!

"Wag nalang!" Bakit ba kasi?

"Conserve water. Shower together" Nababaliw na 'tong si Paul John eh! Patay, anong gagawin ko? Mag-isip ka ng excuse mo JC!!

isip...

isip...

isip...

TING! *Light Bulb*

"AHHHHHH! Si Lyndon! Pupuntahan ko pa siya!" Bubuksan ko na sana yung pinto nang harangan niya ako.

"Hoy! Ano ka ba? May hihingin lang naman ako sayo ah."

O__O

Ano?! Don't tell me yung...... AHHHHHHHHHHHH! 

"A-ano?" Nauutal kong sabi. Hindi pwede... Hindi talaga pwede. bata pa ako. Innosente pa naman ako.

"Pwede bang..."

"ANO?!"

"Pwede bang manghingi ng toothpaste mo?" 

Ano? Toothpaste?

"A-Ayun... kunin mo lang dun.." Tinuro ko kung saan nakalagay ang toothpaste ko at lumabas ng CR. Kinabahan ako dun ah. 

Paglabas ko, wala na si Mia. Buti naman... ayoko pa naman mahawaan ng Landi Virus niya! Hmp.

Ang tagal naman ni PJ maligo. Teka.. inaantok pa ako. Makahiga nga sa kama niya.

*kroook*  *kroook* 

Uwaaaaaaa, bakit ang lambot ng kama niya?

*kroook*  *kroook* 

Nasaan ako? Bakit bigla akong napadpad dito? Pinalibutan ako ng sandamukal na rosas, iba't ibat ang mga kulay nito. At... nakita ko si PJ, papalapit sakin.

May dala rin siyang rosas.

Ang lapit namin sa isa't isa.

 Binigay niya sakin yung rosas na dalaya nya,

Maya maya... lumuhod siya sa harap ko.

At kinuha niya yung ring.

Ngumiti siya at....."Will you marry me?"

Sasagot na sana ako pero pakiramdam ko ay may humawak sa paa ko. Nakikiliti tuloy ako.

"Ano ba!"

O____O

Nagising ako at tumambad sa akin si PJ na... half-naked O______O

Pinagtitripan pala ako ng mokong habang natutulog ako!

Pero...

Shemay! Ang hot at ganda ng katawan nya. Ang puti at ang kinis. Kahit ilang beses ko na rin siyang nakitang half-naked, naninibago pa rin ako. At aaminin ko.... hindi pa rin ako nagsasawa. Ahhh! Ano ba tong sinasabi ko? Hwag ka ngang green JC!

"Ehem. tapos na ko." Umupo naman siya sa kama niya kung saan ako nakahiga. 

"Okay.." Tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila.

"Ahhhhhhhh!" Shems!

The next thing I knew.... his lips touched mine.

To The Beautiful GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon