CHAPTER 3: Assignment

26 4 0
                                    

Jai POV

Umaga na naman. Papasok na naman ako sa sobrang boring na school na yun! Nakakainis! >.<

Hay! Makatayo na nga ay makaligo!

After 1000000 years! Natapos din! Bihis, suklay, paganda, baba, kain ...

"Good Morning Ma!" bati ko.

"Morning din!" sagot niya.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, nagpaalam na agad ako.

Lakad, lakad, sakay ng bus, para, baba, lakad ulit.

Habang papasok sa school, nakita ko si Seatmate na may kasamang lalaki. Pogi din. Mukhang jolly, hindi tulad ni Seatmate. Buti nagagawa nun na pagtiisan yung masungit na yun! Psh!

Nga pala, pangalawang araw ko na pero isa palang kilala ko dito sa school na to. Hmmmm?

Alam ko na! Ilalabas ko na ang powers ko! Kili-kili power!! Hihi XD JOKE!

POWER OF BEING FRIENDLY!

Kailangan ko din namang magkaroon ng kasama dito noh! Ayoko ngang maging loner!

Nang makapasok ako sa room namin, kinausap ko agad yung babae sa harapan, mukhang wala pa din siyang kakilala..

"Hi! Ako nga pala si Jairene, pwede mo ako tawaging Jai for short." Pakilala ko.

"Ako naman si Tiffany" sagot niya.

"Friends na tayo ha?" sabay ngiti ko.

Bago ko pa marinig ang sagot niya, dumating na yung professor namin. Naupo na ako. Habang nakikinig sa prof, bigla nalang...

GRRRRRRRRR~!!!

(O.O)

Naku po! Yung mga alaga ko, nagrereklamo na! Eh ang aga aga pa! Napatingin ako at napahimas sa tyan ko,

Tiis tiis muna kayo jan mga alaga..

Tinuon ko ulit yung sarili ko sa sinasabi ni prof. Blah blah blah..

"Class, kailangan niyong maghanap ng partner for your assignment." Ano naman kaya yung assignment na tinutukoy ni Ma'am? Bahala na, anjan naman si Tiffany eh! Siya nalang partner ko. Tatawagin ko na sana siya nang biglang nagsalita ulit si Ma'am. "Opposite ng gender niyo ang partner niyo ha?" habol niya.

Ahhh! Lalaki... huwat?! Lalaki? Naku po! Wala naman akong kakilala pang kaklase dito na lalaki! Huhuhu!

Ay teka? Si seatmate kaya? psh! wag na, susupladuhan lang ako nun! Pero try ko nalang siyang ayain, wala namang masama kung tatanungin ko siya.

"Seatmate, pwede bang tayo ang magpartner? Tutal magkatabi naman tayo eh!" aya ko.

Sheeeeet! Kinakabahan ako! >.< ayan na, sasagot na siya..

"Hindi seatmate ang pangalan ko.." pagsusungit niya. Psh! Yabang talaga, teka ano ba kasi pangalan nito?

"Ano bang pangalan mo?" tanong ko. Imbis na sagutin niya agad ako, napangisi muna siya habang nakatingin sa board.

"Papayag akong maging partner mo, pag nahulaan mo kung anong pangalan ko.." sagot ulit niya.

Aba! Gumaganun?! Kung hindi lang lalaki ang kailangan na partner, di ko na pipilitin tong kumag na to! Nakakainis! Psh! Hmmm, manguhula nalang ako, baka sakaling tumama..

"Jack? Ken? Jerick? Jeiden? Jean? Joe? Adrielle? Romel? Rolando? Juanicko? Lucio? Rodrigo? Enrique? Jose? Reymundo? Lorenzo? Leonardo? Cecilio? Diego" natatawa ako habang binabanggit ko yung mga pangalan kasi yung mukha ni seatmate, parang napipikon! Hihihihi xd

"Bahala ka sa buhay mo!" sabay walk-out ni Seatmate. Haha! Pikon pala yun! Ang laking damulag, pikon! Hahaha!

Pero ano ba talagang pangalan nun? Psh!

---

Habang nasa lobby ako, may narinig akong usap-usapan ng mga babae,

"girl! May pogi sa CAS department!" sabi nung isa.

"oo nga! Balita ko, freshman siya. Ang pogi niya talaga!" sabi nung pangalawa

"kaso suplado! Pero ok lang! Tingnan lang niya ako, heaven na!" sabi nung pangatlo.

"alam ko pangalan nun! Troy Adrielle Rodriguez. Nahanap ko siya sa facebook kanina!" sabat nung pang-apat.

Mga babaeng to! Ang lalandi! Psh! Pero teka? Siya kaya yun? Psych major kaya yun? Suplado daw eh? Baka siya nga! Hmmm.. makabalik na nga sa room.. Lakad, akyat, lakad..

Room 17

Nang makita ko agad si seatmate. Tty ko kaya siyang tawaging Troy?Pag tumingin, siya nga yun.

"Troy!!!" sigaw ko.

Napatingin saken si seatmate, napangiti ako. Pero siya mukhang pikon padin..

Naupo agad ako sa tabi niya.

"Partner na tayo! Bleeeh! " pang-aasar ko.

"geh." Aba! Nagtitipid ba to sa word? Ang tipid sumagot! Psh!

"mamaya, after class, sa gym" sabi niya.

"ano ba yung assignment naten?" tanong ko. Kasi naman di talaga ako nakinig nun kay ma'am, yan tuloy di ko alam kung ano yun. Next time nga, makikinig na ako.

"Sayaw, next week ang presentation. Swing sasayawin natin" paliwanag niya.

"pag di malambot yang pagsayaw mo maghanap ka na ng ibang partner. Maikli pasensya ko sa mga taong matagal matuto!" aba, demanding pa tong lalaking to! Mapektusan nga! Psh!

Bahala na si lord kung matatagalan ko tong supladong masungit na to~!

May araw ka din saken TROY ADRIELLE RODRIGUEZ!

----

next update bukas.. :)


I'm In Love With a POSER!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon