Seatmate POV
First Day palang nakatambay na ko agad dito sa labas ng School.
habang nakatambay, may nakita akong babae na nakatayo sa harap ng school na parang ayaw niyang pumasok. Tinignan ko lang siya. Siguro mga 3 minutes din siyang nakatayo.. Nakakapagtaka, Nang marinig niya yung bell, pumasok na siya.
Masundan nga..
Nang makarating siya sa room 17, tinignan ko kung anong room ako.. Di na ako nagulat nung makita kong pareho kami ng room.
Ay! Nga pala, sorry. Di pa ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Troy Adrielle Rodriguez, 19 years old. Taking up BS Psychology. Actually Architecture ang gusto ko kaso kapos sa pera so, Psychology nalang. Actually my family is rich , kaming magkakapatid sa Private school nag-aaral, may service, at di kapos sa pera kaso nung magresign ni mama at papa sa pagtatrabaho, dun na nagstart ang mahirap na buhay namin. Di naman as in hirap, pero alam mo yung kapos sa budjet? Ayun kami.
Balik sa topic.. Pumasok na agad ako sa Room para makaupo, pinili ko talagang umupo sa tabi ni Jai. Oo, alam ko pangalan niya kasi may tag yung bag niya ng name niya.
Habang nag-aayos ako ng gamit ko, napansin ko sa peripherals ko na nakatingin sakin si Jai. Yung tingin na poging-pogi siya sakin.
Kung idedescribe mo kasi ako, aminado naman ako na gwapo ako. In-born na yun sakin. That's why maraming nagkakandarapang babae sakin. Marami na din akong alam when it comes to relationship kaya pag ina-apply ko yun sa ka-fling ko, kung kiligin sila akala mo wala nang bukas. Tch!
By the way, nung napansin ko na nakatingin si Jai sakin, tumingin din ako sa kanya. Bigla siyang napailing at nailang. Natawa nalang ako..
--
Lunch Time
Habang nakatambay sa labas ng room, nakita ko si Jai na paikot ikot sa Lobby. Mukhang hinahanap yung Canteen. Nakakatawa siyang panoorin.
Bigla siyang huminto sa hallway, tapos parang wala sa sarili. Makababa nga..
Nang makababa ako, andun pa din siya nakatayo. Di ko alam kung anong nasa isip nitong babaeng to!
(Light Bulb!)
Alam ko na! Banggain ko nga para magising sa katotohanan..
Boooogsh!!!!
"Aray naman!!!"
"Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" reklamo niya.
tinignan ko siya sabay sabing "panong hindi ka mababangga? Eh nasa gitna ka kaya ng hallway! Shunga!" then walk out.. Haha! Edi nagising si Shunga.
Nang matapos ang Lunch Break, Bumalik agad ako sa Room, di ako nag-lunch. Nakakawalang gana kasi dito sa school na to! Walang Canteen.. tch!
Magwa-1:30 na pero wala pa din si shunga..
Malamang nananaginip na naman yun ng gising.. tch!
After 1000 years, nakadating din si shunga.. Ayun hingal na hingal. Nakakatawa talaga siyang tingnan.. Parang laging lutang.. Di ko tuloy napigilang tumawa..
"Anong tinatawa tawa mo jan ha?!" ay! Napansin tuloy ako. Di ko siya pinansin at itinuon ko nalang ang sarili ko sa sinasabi ng prof.
Tinawag ng prof si Jai pero wala na naman ito sa sarili. Tch!
"Miss Gonzales!" siniko ko nga para matauhan.
"Aray ko naman! Inaano kita?" reklamo niya.
"Shunga! Tawag ka ni Ma'am!" sagot ko. Pagtingin niya kay ma'am nagulat siya.
"Miss Gonzales, can you solve this problem on the board?" pagtingin niya sa board mas lalo siyang nagulat.
"Aray ko! Ma'am masakit po yung tiyan ko! Kahit gusto ko pong sagutan yan, di ko po kayang maglakad papunta jan! Aray!"
Natawa ako sa sinabi niya."bakit ka tumatawa jan?" tanong niya. di ako kumibo.
Hay! Nakakaboring naman tong prof na to! Tch!
KriiiiNG!!!!
Lumabas na agad ako bigla,
Dumeretso ako sa Court..
---
Court..
"Pare, musta?" tanong sakin ni james.
Si James, bestfriend ko siya since elementary. Para ko na siyang kapatid. Actually mas kapatid ko pa siya kesa sa mga tunay kong kapatid. Di ko kasi sila close.
"ok lang" sagot ko.
"di ka pa rin nagbabago, pare wag masyadong seryoso. Papangit ka niyan!" nang-asar pa!
"manahimik ka na lang, maglaro nalang tayo para di masayang oras ko dito!" pagsusungit ko.
"ang hot mo naman Troy! Di kana mabiro!" sagot ni james.
Napansin ata ni James na may iniisip ako. At ayun nag-aya nalang umuwi.
Ewan ko ba kung bakit di maalis sa isip ko si Jai! Tch!
Humanda siya sakin bukas! Tch!
----
Papasa na ba to sa inyo readers?
Written by: JeiPerez & Modernong Misteryosa
BINABASA MO ANG
I'm In Love With a POSER!
HumorDream Guy? Hindi yan totoo.. Know why? Dream nga eh! Nag-iisip tayo ng mga gusto nating features and attitudes na gusto natin sa isang tao. Posible lahat pagdating sa dream.. Eh sa reality kaya? POSIBLE padin kaya? what if? What if, ma-inlove...