*6*
~
Nagising ako ng wala sa tabi ko si Jav.
Akala niyo naman nagdrama ako at nag- alala na baka iniwan niya na ako?! Haha. Next time nalang yun . ahah.
Paglabas ko ng kwarto...
"Good morning babe!" Bati niya saken habang hinahanda yung breakfast namin.
Sa isang plato may ham na hinugis A niya at sa isang plato naman hinugis J tapos sa gitna ng dalawang plato, bacon na hinugis heart.
"Tss." Sabi ko nalang at umupo na sa upuan.
Agad naman siyang umupo sa tapat ko at nag- umpisa na kamif kumain.
Minsan talaga nagtataka ako kung bakit isang napaka- pogi, hot, gentleman, caring, sweet nalalake ang naging boyfriend ko. Parang kung sino pa ang bitter, siya pa anh swerte sa lovelife! Ahaha.
Imbis na ma- karma ako sa mga pinagsisira kong relasyon, na- doble swerte pa ako!
Unfair ba? Ahaha pabayaan niyo na. Bida ako eh. Chos!
Pagtapos naming mag- almusal, pumunta kami sa rooftop at nagharutan.
Lol. Harutan talaga. Kulitan lang pala.
"Babe, kelan mo balak magpakasal?" Tanong niya saken.
"Pag pumuti yung uwak." Sabi ko.
"Seryoso kasi, Ashley De Guzman Francisco." Sabi niya.
"Pag nag dalawang araw nalang." Sabi ko.
"Weh? Ibih sabihin sa sabado na??" Excited niyang tanong.
"Gaga! What i mean is, kapag naging dalawa abg araw." Sabi ko.
Natawa nalang ako at siya nakatingin saken. Parang may iniisip gawin.
"Ahhh! Jav! Ahh!" Sabi ko habang pinapalo yung likod niya.
Kinarga niya kasi ako.
Pagbaba niya saken, kiniliti niya ako sa bewang.
At dahil labis na makilitiin ako, nag- react agad ang nerves ko.
"Anak ng Kupal! Jav!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi niya lang ako pinapansin, tuloy paren ang pagkiliti saken.
"Hayop ka ! Anak ng kupal! Jav! " sigaw ko ulit.
Nang mapagod siya, napaupo siya sa lapag habang naka pamewang pa at pawis napawis.
Kinuha ko yung towel sa bench at pinunasan siya.
"Ayan! Ang landi mo kasing lalake ka." Sabi ko habang nilalagay sa likod yung towel.
"Babe..." Tawag niya saken.
"Hm?"
"May laban pala kami mamayang 4:30 ng basketball. Panoorin mo ko ah?" Sabi niya saken.
"Oo na po." Sabi ko.
Nag- ready na ako para sa laban nila. I took a bath at nagbihis na.
Naka- athletics t- shirt ako and high- waisted shorts. Black converse.
Malayo kasi yung paglalabanan nila, its already 2:30 kaya umalis na kami.
Nagda- drive siya ng bigla niya nanamang nasingit yung nakakainis niyang tanong.
"Babe, kelan mo nga balak magpakasal?" Tanong niya saken habang hawak ang kamay ko.
"Sa katapusan..." Sabi ko.
"Katapusan? Ngayong September?" Masayang tanong niya.
"Katapusan ng mundo." Pag- correct ko.
Napa- pout nalang siya.
"Joke. Seriously, when im already 22, dad wants me to be married. So, kung sino naging boyfriend ko with that age, siya papakasalan ko. Kaya mag- ingat ka kung gusto ko umabot. 5 years pa, bruh!" Sabi ko.
Yes, 5 years pa kasi im just 17 for now.
"Lol. Sige ba." Sabi niya.
"Lol. So serious." Sabi ko.
Andito na kami sa lugar kung saan sila maglalaban ng basketball.
Bumaba na ako ng kotse niya at pumasok na sa basketball court.
Pagpasok namin ni Jav,nagsitilian naman tong mga tao na to.
Kumaway- kaway naman to si Jav.
Wow ah? Famous.
Umupo kaki sa may bench, sa bench kung saan ang Team nila Jav.
"Wow pre! Hanep. Kayo paren?" Nagtatakang tanong ni--- sino bato?! Ah si Nathan.
If you still remember, Nathan, kaibigan ni Jav.
"Oo naman pre, di ako chikboy no?!" Sabi ni Jav sa kanya
"Talaga lang ha?" Singit naman ng isang lalake. Si lorenzo.
"Good Afternoon, ladies and gentlemen, bisexuals and multisexuals, boys and girls, kids and adults, maganda at panget, malandi at mahinhin, mabait at maldita. Thank you for coming here in our biggest contest of the two teams. Let us see who's the greatest at all!!!" Sabi nung host.
After a minute. Nag- start na.
Shoot!
Lamang sila ng 14 pts sa kalaban.
Woah!
"Go Jav my babes!!!!!" Sigaw ko.
Tumingin siya saken at kinindatan ako.
Keleg much!
~
XOXO.