I KISSED A GIRL: PART II

13.5K 211 16
                                    

Vice's POV

Nandito ako sa likod ng LED, naghihintay ng cue ko. Sa likod, nakikita ko din ang mga pinapakita nilang video ng Vicerylle moments habang kumakanta sila Jugs ng In Love Ako Sayo. Hindi ko maiwasang alalahanin din ang mga nangyari.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit, ilang beses na naman namin itong ginagawa. Magpapanggap na sweet, papakiligin ang madla. Pero parang ngayon, may gustong kumawala mula sa puso ko.

Maya-maya nagbukas na ang LED at nagsimula na akong kumanta. Naglakad-lakad ako sa stage, sinusubukang hanapin kung saan nakapwesto si Karylle sa baba. Gusto kong i-alay sa kanya ang kantang ito. Ay hala, Vice, ano yun?

Ilang verse pa ay natapos din ang unang bahagi ng performance. Eto na, lalapitan ko na si Karylle, finally. Nakita ko siya, naka-upo katabi ng mga audience. Oo nga pala, kailangan niya nga palang magpanggap bilang taga-panuod ng "concert" ko tapos lalapitan ko siya para dalhin sa stage. Typical story.

Ayan na, nasa harap ko na siya. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay sa balikat ko habang nilalagay ko ang kamay ko sa bewang niya. Hindi ko alam pero may mumunting pagnanais sa kalooban ko na sana totoo na lang ito. Na sana wala na lang siyang asawa. Na sana... Sana kami na lang.

Tinitigan ko siya sa mata at parang gusto kong maiyak sa paghangang nakikita kong nagmumula sa kanya. Buti na lang naka-shades ako at hindi mahahalata.

Napatitig ako sa mga labi niya. Kung babalikan namin ang mga moments namin, mostly ng mga kiss namin ay dampi lang. Ano kaya ang feeling na mahalikan talaga siya?

Hindi ko napapansin na napapalapit na pala ang mukha ko sa kanya. Ang alam ko lang, ngumiti siya sakin ay yun na, may nagtulak na sa akin na halikan siya. Napatalon pa nga ako kasi ang sarap pala.

Pero dahil bawal magpahalata, hinila ko na lang siya paakyat ng stage. Alam kong nasa state of shock pa siya pero the show must go on. Tinapos ko ang kanta.

At habang tinatapos ko ang kanta, nakita ko na naman na tinititigan niya ako na puno ng paghanga.. At.. At pagmamahal? Dahil dito, nang matago kami ng mga usok na nagmumula sa smoke machine, hindi ko na naman napigilan na halikan siya. Kota ka na masyado, Vice. Galit kaya siya?

Hindi ko naman siya agad natanong dahil napakapit siya sa akin, tila ba'y nanghihina ang kanyang mga tuhod. Tumatawa din siya so baka hindi naman nga siya galit.

Inalalayan ko siya papuntang backstage at pina-upo, hindi pa rin kasi siya makatayo. Nagaalala na tuloy ako.

Tinanong ko siya at sabi niya okay lang daw siya pero bigla akong natakot nung maisip ko na shet, may asawa na nga pala ito. Baka kaya siya nanghihina ay dahil iniisip niya ang magiging reaksyon ng "my husband" niya.

Kaya nung pumasok siya sa dressing room niya ay agad kong inoffer na ako ang kakausap sa asawa niya bilang sorry na din sa ginawa kong paghalik sa kanya. Hindi ko naman talaga alam kung bakit ko siya nahalikan, hindi ko na lang siguro napigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Bigla na lang sumabog, ganun.

Pero parang mas sasabog ata puso ko sa mga sumunod niya sinabi. Hiwalay na sila. Annulled na sila. Sa Paris. Yung ilang araw na pangungulila ko sa pagpunta niya sa ibang bansa ay may kaligayahan naman palang kapalit.

At katulad kanina, hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya at this time, binuhos ko na lahat ng nararamdaman ko sa halik na iyon. Binigay ko na lahat ng meron ako. Binibigay ko na ang sarili ko kay Karylle. Yes, lakas ko maka-girl.

Hinalikan ko siya ng hinalikan hanggang sa makalimutan na namin yung mga susunod naming gagawin sa show. Feeling ko na dahil ngayon pwede na, na nasimulan ko na, hindi ko na kaya pang huminto. Gusto ko na siya halikan habang buhay.

Pero dahil nga ang ginagawa namin today ay para sa madlang people, we need to stop. Buti na lang pinakalma ako ni Karylle, or pagpapakalma nga ba ang tawag dito or torture?

"Stop muna, Vicey. Later na lang paguwi. You can take me home, you know." bulong niya sa tenga ko sabay kindat.

God, I love this woman.

The end.

A/N: Yung next update ko talaga eh dapat masakit eh pero dahil masaya ang Vicerylle heart ko ngayon, susundin ko mga request niyo. Request lang guys, go! Mwah.

VICERYLLE WAAAAAAAHHHHH

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon