Christmas Special

15.8K 287 110
                                    

Taon-taon ay nagtitipon-tipon ang maniningning na mga bituin ng ABS-CBN upang maghandog ng isang espesyal na show bilang regalo sa kanilang mga manunuod. At syempre, hindi mawawala dito ang Showtime hosts.

Kasalukuyan silang nasa dressing room at hinihintay ang cue ng start ng show. Kasama kasi sila sa opening number at excited silang lahat para dito. Hindi nga mapigilan ng mga girls na magtilian at ang i-compliment ang isa't isa. Paminsan-minsan ay nakikisingit din sa kanila ang boys.

Ngunit kung ang lahat ay busy sa kakadaldalan at paghahanda, may isang confused na tao ang nagmumukmok sa sulok.

"Uy, brad, bakit ka nakasimangot?" puna ni Vhong sa parang batang nagtatampo na si Vice.

"Eh ano ba naman kasi 'yang suot ni Karylle?" naiinis na tanong ni Vice sa kaibigan.

"Damit?" pabiro at kunwaring nagaalinlangang sagot ni Vhong.

"Sira! Ang ibig kong sabihin bakit ganyan?!" pabulong pero obvious na seryosong tanong muli ni Vice. 

Sa totoo lang ay hindi na bago para kay Vhong ang ugaling iyon ni Vice, may kakaibang protectiveness kasi talaga ito kay Karylle, at natural talaga para dito ang punahin ang mga sinusuot ng dalaga. Kapag hindi pasok sa standard ni Vice, automatic na maiinis ito at pagagalitan si Karylle. But of course, Karylle being the kind person that she really is, never siyang na-offend sa ginagawa ni Vice at tine-take na lang iyon as bilang matinding pagke-care ng binata (?).

"Aba malay ko, brad, tanong mo kaya sa art department, baka alam nila. Teka, bakit na naman ba?" tanong ni Vhong na tila may ibang hinahanap na motibo mula kay Vice. Ewan niya pero parang sa inaakto ni Vice ngayon ay may kakaiba na talaga itong pakikitungo kay Karylle. Kung para kay Karylle ay care lang ang ginagawa ni Vice, para sa kanya, mukhang for the love na ang pagiging concern nito.

"Naaano kasi ako eh." sagot ni Vice na tila lalo pa atang naiinis.

"Naaano??? Hala, brad!!!" pagbibiro ni Vhong. Alam niyo na, green.

"Hindi, naiinis kasi ako, kasi naman sobrang ikli." pagpapaliwanag ni Vice na sinusubukang ikalma ang pagkaasar sa kaibigan. Madalas naman na kasi iyon gawin sa kanya ni Vhong na nireremind niya sa sarili niya na dapat sanay na siya. Ewan ba niya pero parang kina-career talaga ni Vhong ang pagiging pusher ng ViceRylle.

"Huuuu, brad, natuturn on ka no? Kahiya naman sa long hair mo." swabeng pamimikon muli ni Vhong.

"Gago! Alam mo namang iniingatan ko lang 'yang si K kaya naiinis ako. Dumi talaga ng utak mo, Navarro." astang lalaking sabi ni Vice kahit nga naka-long blonde hair siya at super fit na damit.

"Talaga lang ha, Viceral." may pagdududang balik ni Vhong na inirapan na lamang ni Vice.

Nagpatuloy ang pang-aasar ni Vhong kay Vice hanggang sa papilahin na sila sa backstage. Hindi man inaamin ni Vice pero dahil sa pangungulit ni Vhong ay parang nagkakaroon na siya ng pagkailang kay Karylle. Hindi man niya pinapansin ang mga sinasabi ni Vhong pero parang nagkaka-effect ito sa pagkatao niya. Ewan niya ba, pero lately, madalas na talaga siyang maconfuse, tapos hindi pa nakakatulong na tila pinu-push siya ni Vhong sa bagay na hindi pa niya sigurado. Hindi niya na tuloy alam kung paano niya haharapin si Karylle.

Natigil lamang si Vhong sa pang-aasar at si Vice sa pag-iisip nang magsimula na ang show. At luckily, nagawa naman nila ito ng maayos. Kahit slightly na binabagabag ay na-maintain naman ni Vice ang pasabog niyang part sa opening number. Para nga sa kanya ay tila nakatulong ata ang buwis-buhay prod niya upang kumalma ng kahit papaano ang puso niya.

Ngunit muling naguluhan si Vice nang magsama-sama na silang lahat na Showtime hosts sa pagtatapos ng kanilang production number. Paano naman kasi ay muli niyang nakaharap si Vhong at inaasar na naman siya nito. At this time, mas naging pisikal na ito. 

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon