#NakedThursdays

14.3K 249 51
                                    

A/N: Inspired by Friends Season 6, Episode 3. ;----)

Si Karylle Tatlonghari ay isang ulilang dalaga na nakikitira lamang sa mansyon ni Lola Nidora. Nagsisilbi siya bilang katulong kapalit ng libreng tirahan at pagkain. Subalit nang makilala ni Lola Nidora si Yaya Dub ay initsyapwera na siya ng matanda at kalaunan nga ay siya'y pinalayas.

Tumatangis na naglalakad si Karylle palabas ng subdivision. Hindi niya kasi alam kung saan siya tutungo dahil wala na naman siyang natitirang kamag-anak sa Maynila. Saglit siyang huminto sa isang tabi at nagdasal. Hinihiling niya sa Diyos na sana biyayaan siya nito ng swerte kahit ano pa ang kapalit. Handa niyang gawin ang lahat basta meron lamang siyang matirahan.

Nahinto na lamang ang pagmumuni ng dalaga nang makarinig siya ng malakas na busina. Napatumba pa nga siya dahil sa gulat, making the driver think na baka nabangga niya ang dalaga. Huminto ang sasakyan sa harap ni Karylle at mula doon ay may bumabang gwapong nilalang. Napa-isip ang dalaga dahil mukhang familiar ang mukha ng driver ng sasakyan.

"Miss, okay ka lang?" tanong ng lalake (?) kay Karylle.

"Oh shocks! Vice Ganda? Oh my gahhd!!" excited na usal ni Karylle habang dali-daling tumatayo at niyakap si Vice. Kilala kasing modelo ang binata at hindi maitatanggi ni Karylle na crush niya ito. Hindi tuloy niya napigilan ang bugso ng kanyang damdamin ngayong nasa harap na niya ito.

"Oh teka, teka ate. Tinatanong kita kung okay ka lang. Hindi ba kita nabangga?" concerned na tanong ni Vice habang hinahawakan si Karylle sa balikat at inuusisa ang katawan nito kung may galos.

Napa-isip naman si Karylle na baka ito na yung swerte na hiniling niya mula sa Diyos. Alam niyang masama manamantala pero ito lang kasi ang naiisip niyang paraan. She needs to survive.

"Ay, ay, ouch, ouch. Opo, nabangga niyo po ako. Medyo masakit po yung binti ko." pag-arte ni Karylle upang tignan kung ano ang maitutulong ni Vice sa kanya. Umupo pa siya sa kalsada para mas lalong ipakita kay Vice na nahihirapan siyang tumayo.

"Hala, saan? Bakit ka naman kasi nasa gitna ng daan? Ang dami mo pang maleta oh, naglayas ka ba?" puno pa rin ng pag-aalala na sabi ni Vice habang tinitignan at minamasahe ang binti ni Karylle.

"Eh kasi po, pina-pinaalis na po ako ng amo ko. May-may nakita na po kasi siya na pang-best supporting actress po na ka-katulong. U-ulila na po ako, wa-wala na po ako mapu-mapupuntahan." pagpapaawa pa lalo ni Karylle.

At dahil natural nga na mabait si Vice ay naawa ito sa dalaga. Tingin din naman niya ay hindi manloloko si Karylle. Mukha kasi itong mayaman at sophisticated na hindi siya makapaniwala na isa lang itong katulong.

"Ano bang pangalan mo, 'te?"

"Ka-karylle po."

"Oh, huwag ka na umiyak. Tara, sama ka sakin."

"P-po? Sa-saan po?"

"Doon sa condo ko, mag-isa lang naman kasi ako doon. Tapos may isa pang kwarto. Pwede ka muna doon."

"H-ho? Jusko po, maraming salamat po. Kayo na po talaga ang blessing sakin ni Lord." patuloy na OA na acting ni Karylle habang nagpapaalalay kay Vice papasok ng kotse.

Nang magsimula namang mag-drive si Vice ay nanatili lamang na tahimik si Karylle. Iniisip niya kasi ang ginawa niyang kalokohan kanina at medyo na-guilty siya dahil medyo inartehan pa niya si Vice para lamang makuha ang tulong nito. Pero nire-remind naman niya ang kanyang sarili na totoo naman ang sinabi niya kay Vice, wala na talaga siyang mapupuntahan. Pinangako na lang ni Karylle sa sarili na babawi na lang siya kay Vice sa pamamagitan ng pagsilbi dito.

Sa loob ng isang oras ay nakarating sila sa condo ni Vice. Namangha naman si Karylle nang makita niya ang kabuuan ng tinutuluyan ni Vice. All black kasi ang kulay ng lugar pero kino-compliment ito ng mga white furnitures at appliances. Kilalang bakla ang modelo pero sa nakikita ni Karylle sa condo nito ay parang iisipin mo na lalaki talaga si Vice.

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon