ABS-CBN Ball-iwan

8.7K 187 30
                                    





"Babe, are you sure na hindi ka aattend? I can still call Rajo so he can prepare a dress for you." malambing na tanong ni Vice sa kanyang kasintahan habang naglalakad sila sa hallway ng ABS-CBN.

Katatapos lang kasi ng Showtime kaya naman lahat sila ay nagbabalak nang umuwi at maghanda para sa gaganaping ABS-CBN Ball mamaya. Lahat, maliban kay Karylle.

"Nako, love, hindi na talaga pwede. I promised Divine na pupunatahan ko siya eh." malungkot pero may finality na sagot ni Karylle.

Gustuhin man niya kasing um-attend ng ball kasama ang kanyang nobyo ay hindi na pwede. Bukod sa nangako nga siya kay Divine, hindi din kasi pabor ang management nila doon. Tila hindi naman aware si Vice sa pagbabawal na iyon.

"Sayang naman, love. Doon na sana natin pwedeng ipagsigawan na tayo na eh. I guess sa next ABS-CBN Ball na lang." naka-pout na balik ni Vice habang inaalalayan si Karylle papasok sa sarili nitong sasakyan.

"Yes, love. May next time pa naman eh. Just enjoy tonight. I know you will be one of the brightest stars mamaya." pagpapakalma ni Karylle kay Vice bago ito halikan sa pisngi.

Ngunit nanatiling nakasimangot si Vice. "So hindi na ba kita makikita before the ball mamaya?"

"I will check up on you bago magstart yung party. Okay ba yun?"

"Promise, pupuntahan mo ko?"

"Yes, babe. Syempre ako muna dapat makakita sa'yo bago sila 'no. You're mine kaya."

Ikinagalak naman na ng bakla ang ipinangako sa kanya ng nobya. Ginawaran niya ito ng maikling halik bago ito tuluyang hayaan na umalis. Karylle waved goodbye bago magdrive palabas ng ABS-CBN Compound at pumunta sa kinaroroonan nina  Divine.

Ilang minuto lang pagkaalis ng dalaga ay lumarga na din si Vice at tumungo ng Makati Shangri-la.


"Hoy kulotskie! Sure ka bang hindi ka sasama sa jowa mo sa ball?" mapang-intrigang tanong ni Divine kay Karylle na siyang abala sa pakikipaglaro sa pamangkin niyang si Baz Go.

"Oo nga. Ayoko namang ma-bad shot kami sa management dahil lang sa isang ball 'no." medyo distracted na sagot ni Karylle dahil kalaro niya nga si Baz.

"Daot din talaga ng management sa inyo 'no?"

Tumango lang naman si Karylle bilang pagsang-ayon.

"Pero nako ha, markahan mo yang si Viceral. Maraming ahas sa showbiz."

"Grabe ka naman, Divs."

"Totoo naman, sis! Hindi ka pa ba natuto?"

Tila napa-isip naman si Karylle sa naging paalala ni Divine.






"Meme, ang ganda ng outfit mo ha. Pero parang balot na balot ka?" pag-uusisa ni Aaron sa dress na isusuot ni Vice sa ball.

"Ano ka ba, uso 'yan! And ang ganda nung trail oh." pagbibida ni Vice.

"Uso o iyon ang gusto ng jowa mo?" pang-aasar ni Buern. "'Di ba nagkausap yung stylist mo tsaka si Mommy K?"

"Hindi naman nangingialam yung jowa ko sa mga damit ko. Though, I did ask for her opinion. Nagandahan din naman siya eh. At kaya niya kasama si Josh kasi pinapunta ko, para may kasama siya sa concert ni Ate Shawie."

"Ahhh, kaya pala. Eh bakit nga ba hindi ikaw ang sumama kay Mommy K?" tanong ni Aaron.

"Gusto ko naman eh, kaso sabi ni Karylle magbeauty rest na lang daw ako. So I ended up giving Josh my ticket, para naman hindi nag-iisa yung baby ko."

"Pinagbeauty rest, para naman daw magkaroon ng beauty." muling pangbwibwisit ni Buern na siyang tawa ng tawa.

"Ay talaga ba, Buern? Pasalamat ka birthday mo kundi jinombag na kita."

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon