AnneRylle

15.6K 185 40
                                    

Roommates: AU

2008, isang life-changing year para kay Karylle. Dahil bukod sa magsisimula na siya sa unang taon niya bilang college student, mula sa payak na pamumuhay sa Laguna, ay ngayo'y maninirahan na rin siya sa magulo ngunit masaganang bayan ng Maynila. Matagal niyang hinintay na mangyari ito at finally, pagkaraan ng kanyang matinding pagsusumikap, ay nakamit na niya ito. Naniniwala kasi siya na nasa Maynila ang kanyang swerte na siyang makakatulong upang maiangat niya ang buhay nila ng kanyang pamilya.

Dahil likas na matalino ay nakatanggap si Karylle ng scholarship sa Ateneo. Doon ay makakatanggap siya ng libreng edukasyon, monthly allowance at siyempre, isang pribilehiyo na manirahan sa isang dormitoryo. 

Kasalukuyang naglalakad si Karylle sa hallway ng dorm na binigay sa kanya. Lobby palang ay namangha na si Karylle dahil mukhang malaki at mamahalin ito. Mukhang sosyal din ang mga nagrerent dito, based sa mga suot at pananalita ng mga taong kanyang nasasalubong. Room 412 ang naka-assign na silid kay Karylle at iyon nahanap niya sa dulo ng hallway na kanyang nilalakaran. Excited itong binuksan ni Karylle.

Saglit na napakunot noo ang dalaga nang pagbukas niya ng silid ay may isang babae na tumambad sa kanya. Ino-occupy ng sinabing babae ang isang kama sa sulok, making Karylle realize na pang-dalawahan ang kwarto. Magkaka-roommate pala siya. Tiningnan niya ang area ng mala-dyosang babae at napansin niya na mamahalin ang mga kagamitan nito tapos all-pink pa. May mga unan din ito na hugis lips. Sa una ay hindi ma-gets ni Karylle kung bakit pero nang usisain niyang mabuti ang mukha ng dalaga ay na-realize na niya kung bakit mahilig ito sa lips. Medyo may kalakihan kasi ang bibig ng babae pero Karylle cannot deny na may pagka-kissable at sexy pa rin ang parteng iyon.

"Are you my roommate?" puno ng Australian accent na tanong ng babae kay Karylle na siyang nagpatigil sa pag-iisip ng huli.

"Ah, ye-yes. I-i am your roommate. My name is Karylle." nahihiyang sagot ni Karylle, making it clear na may pagka-promdi siya.

"I'm Anne. You look really pretty Karylle." sweet na sabi ni Anne na siyang nagpa-blush kay Karylle. Nailang kasi siya, dahil bukod sa feeling niya na mas maganda sa kanya si Anne, ay medyo may pagka-revealing ang suot ng huli. Hindi naman sanay si Karylle doon dahil puro conservative ang nakatira sa barrio nila sa Laguna.

"Th-thank you." sagot ni Karylle na hindi makatingin ng direksyon kay Anne. Natawa dito ang huli.

"Jusko, Karylle. Probinsyanang probinsyana ka, girl! Huwag ka na ngang mahiya at pumasok ka na, kaloka." saad ni Anne na medyo may pagka-jologs. Umaarte lang naman kasi siya kanina na maarte at pa-sosyal siya pero ang totoo ay simple lang ang dalaga. Oo, mayaman at foreigner siya pero may mga kaibigan siya na medyo payak lang ang pamumuhay at mas nag-eenjoy siya sa trip ng mga jologs. Kaya nga niyang makipagsabayan sa mga mamimili sa Divi at Quiapo eh. Right then, Karylle realized that Anne is really a cool girl. Wild, but yep, still cool.

Madaling nagkasundo ang dalawang babae. Naging mag-bestfriends sila agad-agad. Wala naman choice si Karylle dahil si Anne lang naman ang kilala niya doon. Si Anne naman ay nage-enjoy sa pagka-inosent ni Karylle at sa kung paano niya ito tinuturuan ng mga bagong bagay. Anne loves meddling with people's affair kaya naman nung napagtanto niya na pwede niyang tulungan si Karylle na mag-adjust sa Maynila ay game na game siya. Ginawa niyang personal mission na alisin ang pagka-promdi ni Karylle. Hindi naman na umapela doon si Karylle dahil natutunan niya na mahirapan pigilan si Anne once na ma-set na nito ang utak niya sa isang bagay. Karylle just let her do anything that she wants. Hindi man niya aminin pero gusto naman niya talaga ang pagbabagong dinudulot sa kanya ni Anne.

One time ay dinala siya ni Anne sa isang party and Karylle swears na iyon na ata ang best night ng buhay niya. Inayusan siya ni Anne, tinuruan siya nito uminom, nag-sayaw sila sa dancefloor and she helped her meet new guys. Doon nakilala ni Karylle si Viceral, isang vocalist ng isang kilalang banda sa Ateneo. Months passed at naging jowa niya ang rakista.

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon