Nongnang: Part III

4.4K 87 11
                                    

"Kurba? Kurbaaa..."

Alas siete ng umaga nang dumating si Vice sa condo ni Karylle na may bitbit na agahan. It became his morning routine simula nang malaman niya ang pagbubuntis ng kaibigan.

Nang hindi mahagilap si Karylle sa kusina ay marahan niyang nilapag ang mga pagkain sa lamesa at tsaka niya tinungo ang silid ng dalaga. Naisip niya na baka nag-oversleep na naman ito. Nang sumapit kasi ang ikalawang buwan ng pagdadalang tao ni Karylle ay mas naging antukin ito.

"Hey, sleepyhead! Gising na!" muling pagtawag ni Vice sa kaibigan bago tuluyang pumasok sa kwarto nito. Saglit siyang napa-ngiti dahil naiimagine na niya ang bugnot na mukha ng dalaga. Naiirita kasi ito kapag iniistorbo ni Vice ang pagtulog niya.

Subalit nagulat ang huli nang hindi rin niya makita ang babae sa silid. Napatingin din siya sa kanyang relo in order to check the time.

"Umalis na ba siya? 10am pa appointment niya, ha?"

Tatawagan na sana ni Vice ang cellphone ni Karylle nang may marinig siyang ingay mula sa banyo. Lumapit pa siya ng kaunti sa may pintuan nito upang mapakinggan ang tunog nang mabuti. Doon niya nakumpirma kung asan ang kaibigan.

"Tsk, kawawa naman. Inatake na naman siya ng morning sickness."

Nang muling marinig ang pagduwal ulit ng dalaga ay hindi na nagatubili si Vice na buksan ang pinto ng banyo at aluin ang sumusukang dalaga. Hindi naman na nagulat si Karylle dahil sanay na siya sa presensya ni Vice.

Aaminin niya na noong una ay naiilang siya at nahihiya na makita siya ni Vice sa ganoong kalagayan ngunit hindi rin niya maitatanggi na nagugustuhan niya kapag kino-comfort siya ng lalake tuwing nagkaka-morning sickness niya. Tila ba sapat ang presensya ni Vice upang gumaan ang pakiramdam niya.

Tumagal pa ng ilang minuto ang pagduwal ni Karylle bago siya mapasandal sa dibdib ni Vice na siyang nakaupo sa likod niya at hawak-hawak ang kanyang buhok. Dahil nais naman ni Vice na mas mapaayos ang upo ni Karylle ay tuluyan na siyang sumalampak sa sahig tapos ay kinalong ang dalaga. Hinimas-himas din niya ang buhok ni Karylle at hinawi ang iilan na tumabon na sa magandang mukha nito.

"Okay ka na?" malambing na tanong ni Vice habang sinisilip ang pawisang mukha ni Karylle.

Tanging tango lang naman ang naging sagot ng dalaga. Wala na siyang energy. Kung hindi nga lang importante ang lalakarin nila sa araw na iyon ay mas pipiliin na lamang niyang matulog.

"Are you sure?"

"Opo, Itay."

"Gaga! Inay ako."

"Ay, sorry po, 'Nay."

"Lakas mo nang mang-asar, obvious na okay ka na nga. At dahil diyan, tara na, kumain na tayo."

"Ehhhhh, ayaw."

"Bruha! Aayaw-ayaw ka pa diyan pero itong tiyan mo nagaalburoto na."

Upon hearing those words ay doon lamang narealize ni Karylle na nakapatong nga ang kamay ni Vice sa kanyang tiyan. Isang bagay na madalas gawin ng binata tuwing magkasama sila. She slightly smiled because of the gesture.

"I guess, gutom na nga si baby."

Pagkarinig sa sagot ni Karylle ay hindi na nagatubili si Vice na buhatin ang dalaga at dalin ito sa kusina. Marahan niya itong iniupo sa may lamesa tapos ay pinaghainan ito ng mga pagkain. Nanlaki naman ang mata ni Karylle nang makita na ang paborito niya ang bitbit ni Vice. Malayong-malayo sa mga healthy food na madalas nitong dalin sa mga nagdaang araw.

"Wow, himala. Hindi ma-malunggay ang dala mo ngayon ha."

"Of course! Kailangan good mood today si buntis para good mood din si baby!"

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon