Vlog #2

4.6K 87 12
                                    

"Hey, it's me, your Mama B, and welcome back to my cha— charot! Hindi ko pala vlog ito." Bulalas ni Buern habang hawak hawak ang isang maliit at kulay pink na camera. "Hindi kayo naliligaw, guys. Vlog pa rin ito ng bibi niyong si Karylle."

Nang ma-mention ang pangalan ng huli ay tumayo na si Buern at umakyat sa isang hagdan.

"Oh, bongga ng bahay na ito 'no? Hagdan palang sosyal na. Don't worry, makikita niyo pa ang kabuuan ng mansyon na ito sa susunod na vlog ni Mommy K. For now, teaser muna."

Ilang hakbang din ang tinahak ni Buern bago marating ang malawak na second floor. Doon matatagpuan ang ilan pang magagarang pinto.

"So today, pinaki-usapan ako ng bibi niyong si Mommy Kurba na i-take over muna ang vlog niya para maipakita sa inyo kung paano tumatakbo ang araw niya or araw nila ni Meme Vice." Paliwanag ni Buern habang naglalakad patungo sa pinakamalaking pinto sa second floor. "A day in the life of the Vicerals kumbaga."

Saglit na huminto si Buern sa tapat ng pinto at hinawakan lang ang doorknob nito.

"Mamaya din kasi ay may bonggang ganap ang mag-asawa. First time nila iyon gagawin kaya naman nais nilang i-share iyon sa vlog na ito. Basta, abangan niyo."

Nang matapos ang kanyang litanya ay naisipan na ni Buern na katukin ang pintong kanyang kaharap. Hindi naman nagtagal ay binuksan ito ng ating bida.

"Oh, yes. Nakaligo na si Mommy Kurba oh." Puna ni Buern nang makita niyang basa ang kulot na buhok ni Karylle. Nginitian lang naman siya ng huli at niyayang pumasok sa silid.

"Sorry, medyo hindi pa ready yung face ko. Mamaya pa kasi ako magpapa-make up sa studio." Pagpapaumanhin ni Karylle sa kanyang viewers.

"Okay lang 'yan, Mommy. Maganda ka pa rin naman." Puri ni Buern habang umuupo sa may sofa sa gilid ng silid. Hindi siya umupo sa kama dahil alam niyang isa iyon sa pinaka-ayaw ng kaibigan niyang si Vice.

Akmang magpapasalamat na si Karylle sa sinabi ni Buern nang lumabas na nga mula sa kanilang banyo ang isa pa nating bida. Pagkakita kay Buern ay tumili agad ito.

"Ayyyy! Ba't may nakapasok na magnanakaw dito, love?"

"Wow! Porket naka-wig ka na ha, inaaway mo na ako."

Natawa naman si Vice sa sinabi ni Buern. "Oo, hindi na kita kailangan. Kaya na ng misis ko na ikabit ito 'no."

Upon hearing those words ay napa-pout si Buern na siyang pinakita niya sa camera. "Grabe siya oh. After niyang paturuan sa akin si Mommy K sa kung paano ididikit yung wig niya, itinakwil na ako. Walang utang na loob."

"Hoy! Mas marami ka pa ring utang sa akin."

Saglit pang nagbangayan ang dalawa hanggang sa pigilan na sila ni Karylle. "Enough na. Lagpas 9am na. We need to go."

"Ngayon, guys, alam niyo na kung bakit hindi na nale-late si Meme. Ayaw kasi ni Mommy Kurba ng nale-late." Kwento ulit ni Buern sa harap ng camera.

After showing na pababa na sila sa hagdan ay isang time lapse montage ang pinakita sa vlog. Doon pinakita kung paano isa-isang nagpaalam ang mag-asawang Viceral sa mga alaga nilang hayop at kung paano nila chineck ang ilang parte ng kanilang bahay bago tuluyang sumakay ng kanilang sasakyan. Muli lang bumalik sa normal na speed ang kuha ng camera nang tinahak na nila ang kahabaan ng Edsa.

"Jusko po, traffic na naman. Ano na, Pilipinas?" Bulalas ni Vice sa harap ng camera. Natawa naman sa kanya si Buern.

"Ganyan talaga sinasabi niya everyday." Paliwanag ni Karylle na siyang katabi lang ni Vice. Magkaholding hands pa nga ang dalawa. "Kaya minsan inaaya ko na lang siya na umuwi kami kina Nanay Rosario para mas malapit sa ABS-CBN kaso minsan ayaw naman niya."

Impulse - Vicerylle [Rated R]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon