Enzo's POV
Sumugod agad kami sa ospital ng malaman namin ang nangyari kay Ejay. Kasama ko yung ibang tropa namin. Pagdating namin ay wala pa yung doctor na titingin sa kanya. Tuloy-tuloy pa din ang pagsusuka niya ng dugo.
"Pare, huwag ka matutulog." Tapik tapik namin si Ejay dahil bilin sa amin ay wag dw namin hayaang makatulog si Ejay.
Nang biglang dumating yung doctor. Napag alaman namin na my namuong dugo sa ulo niya at kailangang maoperahan..
Wala pang 24hrs ay successful naman yung operation niya.
"Pare, bagay pala sayo yung kalbo?! Haha" Biro ko sa kanya nung magising siya.
Lumayo naman ako sa higaan niya ng makita kong palapit yung daddy niya.
"Daddy. asan cp ko?" Tanung ni Ejay.
"Nakatago anak. Ibibigay ko sayo pag galing mo." Sagot naman ng daddy niya.
"Pahiram ako. Tapos loadan niyo ako." -Ejay
"Hndi pa pwd anak." -Sabi ng daddy niya. Nagwawala na siya at gusto daw niya itext ang mga tropa niya.
Nilapitan ko sya. "Ejay, andito naman kami ah? Kumpleto kami.. Hndi mo na kailangan magphone."
Pero ayaw niya makinig. Mas pinili kong lumabas nalang ng kwarto. Hndi pa ako nakakalabas, narinig ko na sila na natataranta.. Agad akong tumawag ng doctor.
"Clear. Clear" Sabi nung doctor.
* Eeeeenngg-----------
No! Hndi pwde.
"Time of Death. ******, sorry Mr. and Mrs.." sabi nung doctor.
Humagulgol na sila ng iyak.
"Ejay!! Andaya mo talaga!! Bumangon ka dyan pare, mag-iinom pa tayo." Pero hndi na siya nasagot. "Pare naman, di ba my promise tayo? Sabay tayong magccollege? Ggraduate kana ah! Wala na ako kasama pag jojogging.. Ejay bumangon ka...."Pagmamakaawa ko sa kanya habang yakap-yakap siya.
Isang taon ang tanda ni ejay sakin. Graduating na siya.
Andaya talaga ni Ejay. Sabi niya walang iwanan. bakit iniwan niya ako ngayon?
------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- -------