Gly's POV
"Gly! Gising na. Tanghali na."
Nagising ako sa sigaw ni Mommy. Walang parsok Sabado kasi ngayon. Agad ko chineck yung phone ko.
**
From; Bhesh!
Goodmorning Gly. Imissyou
**
Napangiti naman ako sa text niya at agad akong bumaba ng bahay namin.
"Hi Mom!"
"Kumain ka na" Sabi ni Mommy
"Opo. Ano yang ginagawa mo?"
"Naglilista ng pamimilhin. Wala na kasing laman yung grocery natin eh." -Mommy
"Ako nalang ang maggrocery!"
"Marunong ka ba? Si Manang nalang." -Mommy
"Oo naman po. Lagi mo kaya ako kasama pamimili. Kaya ko na yan. Ako nalang tska wala naman ako ginagawa eh."
"Sure ka?" -Mommy
"Opo."
"Oh, sige maligo ka na pagkakain mo." -Mommy
Katext ko naman si Enzo habang nakain ako.
**
Enzo; Anong ginagawa mo?
Ako; Nakain po. Ikaw? Maliligo na din po ako after nito inuutusan po kasi ako ni Mommy
Enzo; San ka inuutusan?
Ako; Mag-ggrocery. Hehe..
Enzo; May kasama ka ba?
Ako; Wala po.
Enzo; Pwede ba kita samahan? :)
Ako; Oo naman! Sige maliligo na ako. Ikaw din, text nalang kita kung san tayo magkikita.
**
Agad naman akong naligo at tinext si Enzo kung san kami magkikita.
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Enzo's POV
Naligo at nagbihis naman agad ako pag katext ni Gly sa akin nun. Boring naman kasi sa bahay kaya nagsuggest ako na samahan siya.
Nauna naman ako sa meeting place namin. Sobrang init. Mas malapit kasi yung bahay namin kaysa bahay nila.
Maya-maya dumating na si Gly. Sumakay kami ng tricycle papunta sa Supermarket kung saan siya mag-ggrocery. Hindi ko kasi dala yung kotse gamit kasi ni Lola tapos dala naman niya yung susi ng motor. Pumasok na kami sa loob at ako ang nagdala ng pushcart.
Grabe, ang bilis niya mamili. May listahan naman siya at alam niya lahat kung saan nakalagay yung mga bibilhin niya.
"Gly" Tawag ko sa kanya.
"Oh?" Sagot niya.
"Wala lang. Haha!"
Nasa may meat station kami. Ng matanaw ko yung adviser namin sa di kalayuan kasama yung bestfriend niya.
Patay! Magtataka yun kung bakit magkasama kami ni Gly. Kaya sinabi ko at nagtago ako.
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Gly's POV
Ako lang ang nakita ng adviser ko at agad nakapagtago si Enzo.
"Gly..." Tawag sa akin ng adviser ko.
"Hello po Miss.."
(A/N; Miss kasi ang tawag nila sa mga teacher nila. May asawa man o wala. Hehe! Singit lang)
"Magsolo ka?" -Miss Gwen
"Ah, opo..Hehe"
"Nice. Dalaga ka na talaga. Nag-ggrocery kana mag solo. Oh sige ingat ka pag uwi ha? Mag babayad na kami. Bye." -Miss Gwen
"Okay po. Bye"
Hayy! Nakahinga ako ng maluwag. Bawal kasi sa kanya yung mga mag boyfriend-girlfriend sa room. Mahirap na!
Pag kabayad nung adviser ko at paglabas nila tska kami nagbayad ni Enzo.
Wala na kami ibang pinuntahan ni Enzo at hinatid niya ako sa bahay namin. Pero hanggang kanto lang. Hindi siya pwede makita muna ni Mama. Dumaretso naman siya kila Rey para tumambay.
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Puyat po ako. 4:30AM na ako nakatulog. Haha!
Mag e-edit po ako bago mag-update. :)
PS. Pahingi ticket sa Candy Crush! Please. HAHAHA :3
<3