Gly's POV
Masama ang pakiramdam ko kaya napili ko na tumungo muna kaysa makipagkwentuhan.
"Gly........"
Teka, familiar yung boses na ito. Pero impossible, hindi niya ako kakausapin. Mataas pride nun eh. Baka nagkakamali lang ako ng pandinig. Tama. my sakit nga pala ako. Pero my humawak sa balikat ko at napatingin ako.
Naku! Ang mga dimples po nya nagpapakita nanaman sakin.
Nagkangitian naman kami na ibig sabihin ng mga ngiting yun ay ayos na kami.
"Bhesh, bakit nakatungo ka?" Tanung nya sakin.
Kinausap niya na ako ibig sabihin okay na kami.
"Ah--eh. Kasi----"
"Teka, mainit ka bhesh ah! Bakit pumasok ka pa?" Pag-aalalang tanung niya sakin.
"Teka, dyan ka lang. Kukuha ako ng gamot sa clinic. Sige, tumungo ka muna." Dugtong pa niya.
Sobrang pag-aalaga ginawa sakin ni Bhesh, hindi naman ako makauwi kasi ayoko ma-miss yung subjects ko, dahil malapit na ang finals namin. Sa wakas magbabakasyon na.
"Take your lunch class." Sabi nung teacher namin.
"Bhesh, dyan ka lang.. Ikukuha kita ng pagkain." Sabi ni Enzo.
"Pero----"
"No more buts bhesh!" Sabi niya sabay talikod sa akin.
Ang swerte ko talaga! Ang gwapo pa ng nurse ko! ;) Pero araaay! Ang sakit talaga ng ulo ko. -...-
Pag kakain ko ng lunch ay pinilit ako umuwi ni Enzo. Magpapaalam daw sya sa principal na ihahatid ako. Nagpasama siya kay Ejay, parang kapatid na ang turing niya dito. Kapitbahay niya lang ito. Sakto naman at walang pasok ito.
Inalalayan niya ako papasok ng kotse at sinabi sa driver ang address namin. Medyo malayo kasi. Hanggang sa nakatulog ako.
Nagising nalang ako na gabi na at nasa kwarto ko na ako.
_________ _________ _________ _________ _________ _________