Gly's POV
As usual, late nanaman pumasok yung tatlo. What's new?
"Please answer page 96. I have to go class, we have meeting. But you need to answer it okay? Ipatong niyo nalang sa table ko pag tapos niyo" Bilin ni Sir. Marlon sa aming lahat.
Yes, sa wakas wala nanamang teacher. Hay! Kailangan ko magsagot. As usual, sakin nanaman kokopya yung tatlo.
"Leysy, pakopya!"
Teka, si Enzo yun ah? Bakit hindi sa akin kokopya to? Anung problema nito? Ganto lang naman 'to pag galit to ah! Amp.
"Hingi ka ng scratch paper." Utos ni Leysy kay Enzo. Ang bilis kumilos ah! pag ako naman ilang oras na di pa din sinusunod.
"Pahinging scratchhh-----" Sigaw ni Enzo.
Dati naman, ako lagi nilalapitan nito. Pero walang sumagot sa kanya. Nakita naman ni Kurt na madami akong papel sa table ko.
"Pare, eto si Gly madaming papel" -Kurt
Tumingin naman sakin si Enzo. "Hindi wag na." Sagot niya.
Arte!!!
"Eto oh?" Sabay abot ko sa kanya ng papel.
"Hndi wag na" Walang emosyong sabi niya. Sabay labas ng room.
"Ang arte mo!!!" Sigaw ko sa kanya. Pero hind naman niya ako narinig dahil nakalabas na siya ng room.
Ang taas talaga ng pride!!!! Grr. Kainis. Ilang araw nanaman kaya kami ganto??
"Haha! Magkaaway nanaman kayo." -Rey
"Aba! Malay ko sa toyong yun! Napaka-arte! Akala mo'y babae!!"
"Nasnip, ang puso." Sabay himas sakin ni Kurt sa likod.
_________ _________ _________ _________ _________ _________