Gly

18 1 0
                                    

Gly's POV

After class, nagdecide kaming dumalaw kay Ejay. Dumaretso naman kami sa bahay nila Enzo para magpasama.

Lasing na lasing si Enzo.. Niyakap niya ako ng mahigpit nung makita niya ako.

"Gly, wala na siya." Umiiyak na sabi niya sakin.

"Shh.. tahan na Enzo, wag ka na umiyak." Sabi ko sa kanya habang himas-himas yung likod niya.

"Hindi ko matanggap. Dapat ako ang nasa kalagayan ni Ejay ngayon. Dapat ako ang patay ngayon." Sabi niya.

"Ha? Anong sinasabi mo dyan?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Dapat kasi kami ni Wayne at Kuya ni Earl ang magkakasama papuntang Plaza, pero dahil sa pagod ako hindi ako sumama. Pinuntahan nila si Ejay.. Kaya si Ejay ang nakasama nila." Malungkot na kwento nito.

Ibig sabihin, kung siya pala ang kasama doble o triple ang nararamdaman ko ngayon.

"Maswerte ka pa din, kasi hindi mo pa talaga oras. Maaga lang kinuha si Ejay satin.. Bhesh, andito pa kami.. Wag ka mawalan ng lakas ng loob. Wag kang magpakalasing." Sabi ko sa kanya.

Bago pa man kami pumunta sa burol ni Ejay, my pinapanuod muna sa amin si Enzo, video ni Ejay na gawa ng mga classmate niya.

T.T Gahd! Nakakaiyak. Ayoko ng ganito. Pag katapos nun, agad na pumunta kami sa bahay nila Ejay.

Yung dating mataba eh ngayon pumayat na. Kalbo na din siya. Maaliwalas naman ang mukha niya, mukha namang masaya na siya kung nasan siya ngayon.

------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- -------

Circle of FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon