(A/N; Nag-edit po ako sa lahat ng chapters my typo kasi.)
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Gly's POV
October 12, 2019 (Monday)
Maaga ako pumasok dahil my flag ceremony. Bawal ma-late, mahirap na.
Pagkatapos ng flag ceremony, umakyat na agad kami. Kasabay ko yung mga classmates namin.
"Mare, totoo ba?" -Mich
"Ha? Ang alin?"
"Sa 19 na daw exam natin? Hay, ang bilis." Sabi ni Mich.. Hay akala ko alam na niya eh. Ayaw ko ipaalam kasi alam ko na tututol sila nila Mac at Alexis. Sila kasi yung isa pang groupo na sinasamahan ko bukod sa mga pinsan ko.
"Ah, akala ko kung ano. Oo daw eh!"
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Enzo's POV
Wala kaming teacher ngayon, busy pag gagawa ng exam. Kaya eto para kaming bata na nakakulong dito sa room. Walang magawa. Ah!! Alam ko na, makulit nalang pala si Gly.
"Hello Ms. Sungit!"
"Ms. Sungit ka dyan." -Gly
"Ano ginagawa mo? Patingin!!" Inagaw ko yung diary niya. Nag-aagawan kami. Haha!
"Akin na kasi!!!" -Gly
"Abutin mo muna! haha" Dahil mas matangkad ako sa kanya, hindi niya naabot. Binasa ko 'yung mga nakasulat.
Bakit ang hihilig ng mga babae magsulat sa diary?
"Nagtampo ka pala sa akin nung birthday mo?" Tinitigan ko siya at binigyan ng killer smile. Nakatungo lang siya halatang nagb-blush.
"Tama na kasi! Akin na." Sabi ni Gly at pilit inaagaw 'yung diary niya.
"Ang dami namang nakasulat. Bawat bagay na gawin mo nakasulat dito? Haha" Pang-aasar ko sa kanya.
Pero hindi na niya ako pinapansin. Tampururut nanaman.
"Eto na nga. Salubong nanaman kilay mo eh. Haha" Inabot ko na 'yung diary.
>__________< Gly
^__________^ Ako
"Hmmm. Gly?" Pero hindi niya ako pinapansin.
"Gly!! Bhesh!" Wa epek pa din.
"Cute!!"
"Ayes??!" -Gly
Nako! Cute lang pala makakapagpatawa dito eh. Haha
"Hindi naman sa naiinip ako, pero kailan mo ako sasagutin?" Napatungo si Gly sa sinabi ko, halatang malungkot "P-pero okay lang kahit matagal.. Mag-iintay ako! Promise."
"N-natatakot kasi ako." -Gly
"Ha? Bakit? Saan?"
"Eh, kasi baka pag sinagot kita malaman dito sa school. Tapos baka hindi tayo magtagal.. Alam mo yun?" -Gly
"Eh! Wala ka dapat ikatakot. Andito naman ako eh."
"Tska, 1week ka palang nanliligaw eh, baka sabihin nila sobrang bilis.. Tska mabilis naman talaga." -Gly
"Hindi naman panliligaw ang pinatatagal eh, Gly relasyon ang pinapatagal."
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Gly's POV
Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba 'yung nararamdaman ko. Kasi ang alam ko nung magbestfriend pa lang kami never ko naisip o pumasok sa isip ko na aabot kami sa ganito.
Oo, nagseselos ako noon pag may kasama siyang ibang babae pero wala 'yun. Wala lang 'yun.
Nung nagtapat na siya sa akin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya.. Bigla nalang nag-iba yung tibok ng puso ko.
Parang my meaning.
Kakaiba.
At tama, naging bulag pala ako.
Kasi kung sino pa 'yung bestfriend ko.
Siya pala talaga 'yung mahal ko.
Kung hindi siya umamin, hindi ko mararamdaman.
Kaya eto, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Mahal ko na pala siya, matagal na.
Kaya nahihirapan ako kung paano siya sasagutin.
Tama siya, relasyon ang pinatatagal hindi panliligaw.
"Oo na." Sabi ko kay Enzo.
"Anong OO na??" -Enzo
"Ang hirap kasi eh.."
"Haha! Anong mahirap?" -Enzo
"Magtanong ka kasi!"
"T-tayo na ba Gly?" -Enzo
"Oo nga sabi! Ang kulit!! haha"
"Talaga????" -Enzo
"Ay, hindi na. Babawiin ko na."
"Wag! haha!!! Yes!!!!!! Yes!" Nagtutumalon si Enzo sa unahan ng room.
"Oy, ano 'yan?" -Mich
"Ha? Wala my toyo lang yan si Enzo, halika na nga dito uy!" At hinigit ko pa upo ulit si Enzo.
"Totoo ba talaga?" -Enzo
"Isa pa babawiin ko na!haha"
"Haha! Yes!!!" At tumalon ulit siya.
Pero kami lang ni Enzo ang my alam ng pinag-usapan namin.
"Ano ba 'yan ang ingay mo." Rey
"Haha! Pare ililibre ko kayo mamaya! haha" -Enzo
"Yes! Haha!!!" Kurt
"Talaga?!!! haha" -Rey
"Oo pare! Kahit ano! Hahaha" -Enzo
At ayon tatlo na silang nagtutumalon sa saya! Haha
I'm sure, sasabihin niya ito sa mga pinsan ko. But it's okay. I trust them.
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Ticket please. Haha TT.TT
Nextweek update, my swimming kami. hehe