Rey's POV
Nasa canteen kami kasama si Kurt at Enzo. Ewan ko ba ba't ba biglang nanlibre 'to? Haha basta nakitalon nalang kami kanina eh.
"Pare!" Ako
"Ano? Kulang pa ba 'yan?" -Enzo
"Oo pare, parang gusto ko pa ng burger, fries, hotdog----"
PAK!
"Aray! Bakit ka ba nananapok ha Kurt!" Pero pabirong sapok lang ni Kurt sakin yun.
"Ang takaw mo kasi. 'di mo pa nga ubos yan eh. Haha Pero pare, bakit ka nga ba nanlibre?" -Kurt
"Kami na! Haha pare KAMI NA!!!!!" -Enzo
Ang saya-saya niya. Masaya ako para sa kanila ng pinsan ko.
"Wow!!! Nice bro!! Haha alagaan mo mabuti si Gly ha! Nako. Ewan ko nalang sayo pag sinaktan mo 'yun." -Ako
"Onaman!" -Enzo
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Enzo's POV
Yes! I really really can't imagine, kami na!! Ang saya ko lang. Haha
Malapit na din ang exam. Inspired ako, kailangan ko mag-aral. Hihi pero 'di ko nakopya yung nasa board nabura na kasi agad.
"Gly....."
"Uhhmm?" -Gly
"My pointers to review ka ba?"
Imbis na sumagot, hinawakan niya lang ako sa noo. Tinitingnan niya kung may lagnat ako.
"Hey! Ano ba?"
"Hahaha! My sakit ka ba?" -Gly
"Bakit naman ha?"
"Nagtatanong ka kasi ng mga pag-aaralan eh!"
"Gly naman! Syempre inspired eh!" -Ako
"Ehem!!"
Napatingin kami pareho ni Gly.
"Rey.. Kurt, Oh? Bakit?" -Gly
"Nakakaistorbo ba kami?" -Kurt
"Y--..." Hindi na natapos sasabihin ko dahil naunahan na ako ni Gly.
"Oh. No! Kailan pa kayo nakaistorbo? Hihi c'mon, anong kailangan niyo? Alam kung meron." -Gly
"Nagrereview ka na? haha" -Rey
"Uhmm, not yet. Actually, nagsusulat pa ako." -Gly
"Love letter?!" Sabi ko. Hehe
"Whatever Enzo! Uhm, nagsusulat ako ng reviewer." -Gly
"Uy! Tamang-tama, yun kailangan namin ni Rey! Haha" -Kurt
"Nasnip, pwedeng pa-xerox niyan after mo magsulat?" -Rey
_________ _________ _________ _________ _________ _________
Gly's POV
"Whaaaat?!!!!" Sigaw ko sa kanila.
"Sige na. Please? Promise nasnip, mag-aaral na kami mabuti ni Rey, di ba bro?" -Kurt
"O-okay! okay, ano pa ba magagawa ko. Ever since naman tutor niyo ako."
"Ako din!" -Enzo
"Hay! Oo na. Eto pa-xerox niyo. Wag niyo gugusutin okay! Amp." Hi-nug ako nung tatlo pagkabigay ko. Hay.
Kahit na kami na ni Enzo, syempre mas nangingibabaw pa din 'yung pagiging bestfriends namin. Hindi naman ganun kadali mag-adjust.
Andami ko pang isusulat. Filipino at English palang kasi nasusulat ko.
Mahilig talaga ako mag-gawa ng mga reviewers pag malapit na ang exams. Na-adopt ko na din sa mom ko. Naalala ko kasi nung elementary days ko, siya 'yung gumagawa nito. Parang test paper lang..
Pero, dahil second year highschool na ako, ako nalang ang gumagawa nito. Mas madali ko pang natatandaan ang mga sinulat ko.
Dahil mabuti akong kaibigan, tinutulungan ko sila para tumaas grades nila. Gusto ko pare-parehas kami. Ayoko makitang pasang awa ang grade nila. Masakit para sa akin. Ayoko naman maging selfish..
--
Awasan na, pero nag decide ako magcommute kasama ang magagaling kong kaibigan.
"Oh. Mare, i think you need to go na! Andyan na ang sundo mo oh?" Sabay turo sa boyfriend niya.
"Hi guys!" -Mark
"Hi Mark!" Ako
"Dhie! Oh, sorry guys.. nextime nalang ako sasabay sa inyo ha? I need to go. Bye marz!" Sabay beso sakin.
"Bye!"
Nakasakay na kami sa jeep. Mas unang bababa si Enzo kasi malayo pa yung bahay namin nila Kurt at Rey, magkakapit bahay lang kami.
"Hoy! Ibinayad niyo ba ako?" Sabi ko.
"Oo naman yes! Sa tabi lang po." -Enzo
"Bye Enzo.. Mag-aral ka ha?"
End