Kurt

23 1 0
                                    

Kurt's POV

"Hello Kurt!"

"Hi Kuya Kurt!" 

"Ang pogi talaga eh!"

Kanya kanyang tilian ng mga babae ang naririnig ko habang natugtog ako ng gitara.

"Pare ang dami mo nanamang fans." Sabi sakin ni Rey

"Tara sa loob." Yaya ko sa kanila.

Sabi nila gwapo daw ako, pero suplado. Yun ang akala nila. Ayoko lang ng madaming humahanga sakin dahil nahihiya ako. Drummer ako ng banda namin tska minsan guitarist din.

"Nasnip!!!!!!!" Sabay naman kaming napalingon ni Rey, hndi kasi namin alam kung ako o si Rey ang tinatawag ni Gly.

"Ako o si Rey?" Tanung ko kay Gly.

"Parehas!"

"Anung problema?" -Rey

"Sinong kumain ng chocolate ko!!!!!!!! Nawala na dito nasa bulsa lang yun ng bag ko!" Galit na galit na sabi ni Gly. Wala namang sumasagot sa kanya.

Isa-isa niya tinawag ang mga classmate ko.

"Alexis? Louie? Mack? Ghi? Rommel? Robby? Jayjay?" -Gly

Pero umiling lahat sila. Tska naman siya tumingin ng masama sa amin ni Rey.

"Nasnip!!" -Gly

"Not me." Sagot ko.

"Me too!" Rey

"Eh sino?!!" -Gly

"Marz, sino pa bang wala dito at hndi mo pa natatanong?" -Mich

Saktong pasok naman ni Enzo. Nanguya-nguya pa.

"Lorenzo!!!!!!!!!!" -Gly

Si Lorenzo pala ang salarin. Bangayan nanaman sa room nito. At katulad dati, bouncer kami ni Rey.

"Hindi ako ang kumain." Depensa agad ni Enzo. Wala pang tinatanung si Gly. Haha nakakatuwa sila.

Nagtatawanan kaming lahat ng mapansin ko na malungkot si Leysy sa isang tabi. OP nanaman sya. Hindi kasi okay si Leysy at Gly.

* FLASHBACK

Super close si Gly at Leysy simula nung first year HS kami. Sis nga daw sila at wala ng makakapag-hiwalay sa kanilang dalawa. Parehas ng damit, ng bag, sapatos . Lahat-lahat na.

Pasukan nung Second Year first day of school.

"As your adviser. I don't want all of you to bring cellphones during class hours. If you want to, then surrender it to the office. Clear?" Sabi nung adviser namin.

Syempre as a teenager, hindi maiwasan hindi magdala ng phone. Nagdala padin kami ng phone. Kahit bawal. Ilang araw na din ang nakalipas matapos sabihin samin yun nung adviser namin ng marinig ko yung usapan nung dalawa.

"Sis, my cp kang dala?" Tanong ni Leysy kay Gly.

"Ahm, oo ikaw?." Sagot nito.

"Meron din." -Leysy

"Psst!" Sitsit ko kay Gly.

"Bakit?" -Gly

"Akala ko ba hndi mo dinala ang phone mo?" Sabi kasi niya sakin kagabi na hndi siya magdadala ng phone kaya hndi na din kami nagdala ni Rey at Enzo. Boss kasi namin si Gly.

"Wala nga." Sagot niya habang nakain ng Pick-A.

"Eh, bakit sabi mo kay Leysy meron?" Sabay hingi ng kinakain niya.

"CHISMOSO! Joke lang yun. Titingnan ko kung gagayahin niya ako ng sagot. Haha!" -Gly

Bumaba na kami sa canteen at bukod tanging nagpaiwan si Leysy at Rommel sa room. Nagtetext kasi sila. Kaya kasama namin si Gly.

30mins ang nakalipas ng bumalik kami sa room. 

Hindi pa man kami nakakapasok lahat sa room ng marinig naming nagwawala yung adviser namin.

"Sino pa ha!! Talagang sinusuway niyo ako!! Sinasabi ko na sa inyo na madami akong mata sa school na 'to!"

My nakapagsabi kasi sa adviser namin na meron daw my dalang phone samin. At nagulat pa kami sa ipinakita niyang gusot na papel sa amin.

"Kurt! Halika dito." Tawag sakin ng adviser ko. "Sabihin mo nga sa akin kung kaninong sulat ang mga ito?"

Nagulat naman ako sa nakita ko. Hndi ako nagkakamali, sulat ni Rommel at Ley yun.

"Kay Rommel at Leysy po----" Pautal kong sagot.

Nagsulatan kasi sila kung saan nila itinago yung phone nila ng my muntik ng makahuli sa kanila. Nakatungo naman silang dalawa habang i-surrender nila yung phone nila.

"Gusto ko makausap ang parents niyo. Sino pang my dalang phone?! umamin na kayo."

Wala ng umamin dahil sila lang naman ang my dala.

PE class na. Naisipan naman naming maglaro ng volleyball. Pero hndi sumama si Ley samin.

Pag balik namin ng room. Nagwawala nanaman ang adviser namin.

"Gly!" Tawag ng adviser namin kay Gly. Agad namang lumapit 'to. Nakita ko umiiyak si Gly habang binabasa niya yung sulat at pailing-iling nalang siya. Nagulat kami dahil sobrang saya niya kanina, tapos ngayon nag-iiyak na. Iyakin kasi talaga 'to.

"Alam mo ba kung kaninong sulat yan?" Maamong tanung ni Miss kay Gly at tumango lang ito.

Si Enzo ang naglakas loob na magtanong dahil nag-iiyak na ang bestfriend niya.

"Miss. Gly brought her cellphone, pero hndi po siya umamin kanina. It's unfair. I'm so sorry about what happened I'll promise, i will not brought my phone anymore." Binasa ni Enzo yung sulat. Humagulgol nanaman si Gly ng iyak.

Halatang hndi naniniwala ang adviser namin sa sumulat. Tama si Ley ang sumulat. Kahit walang pangalan ay alam namin na siya un. Malaki ang tiwala nito kay Gly kaya hndi siya naniwala. Halata namang walang pakialam.

"No. It's not true!" Galit na sabi ni Enzo.

"Yes, Miss.. magkachat po kami kagabi napag-usapan po namin na hndi na kami mgdadala ng cp." Sumbat ko.

"I have to go to the office. Sa President ng school nyo nalang ipakuha 'to kasama ang parents niyo Rommel and Leysy."

At naiwan kaming tulala.

"Bakit siya pa ang sisira sa pagkakaibigan namin? Bakit inilaglag niya ako. Hndi siya tunay na kaibigan." Humahagulgol padin si Gly habang sinasabi ito. Agad naman naming niyapos ito nila Rey, Enzo, Mich, Alexis at Mac. Simula nun ay di na nya itinuring na kaibigan si Leysy. Nawalan na siya ng tiwala dito

* End of Flashback.

------- ------- ------- ------- ------- ------- ------- -------

Ang haba po ng Chapter na 'to. Haha! Inspired kasi ako habang sinusulat 'to. Hmm!

Thankyou po sa sumusuporta.

Vote, Comment kahit negative, tanggap ko po ;)

Circle of FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon