Chapter 8

2.9K 135 34
                                    

Suji's POV

Spell Suji. B-A-N-G-A-G! Thank God dahil walang pasok kahapon kase paniguradong pagtatawanan ako ng mga makakakita saken. Pero ngayon meron na! Patay tayo diyan.

Di pa rin talaga ako makaget-over sa mga pinagsasabi ni Myungsoo noong ball. Harujusko! Help me Lord! Bakit ganito nararamdaman ko?! Masyado akong affected. Di kaya? May gusto na ako dun?! WHAT NO. Hindi naman siguro diba? 

Anyway, papasok na ako. :)

Pagpasok ko sa school, ganun pa rin NORMAL lang. Syempre joke lang yun, pagkatapos ng lahat ng nagyari nung ball, HINDI NA MAGIGING NORMAL ANG KALAGAYAN KO SA SCHOOL.

"Si Suji oh, blooming."

"Baka sila na ni Myungsoo."

"Di pa naman ata, edi sana kasabay niya si Myungsoo ngayon diba?"

Oh kita niyo na, pinaguusapan nanaman ako. :/

"SUJIIIIIIIIIII!!!!!!!" Tas may biglang sumulpot sa likod ko.

"Ano ba naman Hyeri! Ginugulat mo naman ako eh!"

"Sorry na! Tara na pasok na tayo sa room!" Aba aba ang laki ng ngiti nito sa mukha ah! May nangyari kaya?

"Hoy babae! Bakit ang saya mo ngayon?"

"Wala lang! Masama ba? Hahaha! Tara na!" Kitams, kinikilig pa. Haynako, ito talagang babaeng ito.

Habang naglalakad kami patungong classroom. May naaninag ako, ang taong may kasalanan kung bakit di ako masyadong nakakatulog ng maayos. Sino pa nga ba? Edi si Myungsoo.

Hala bakit ako kinakabahan?! Papalapit na siya. Mag-hi ba ako sakanya? Ngingitian ko ba siya? Hala anong gagawin ko?! Papalapit na siya! Ayan na! Hay, mag-hi na nga lang ako.

Mag-hi na dapat ako sakanya pero di ko inaasahan yung ginawa niya...

Nilagpasan niya lang ako na parang di kami magkakilala. Aaminin ko, NASAKTAN AKO.

.

"Yah! Suji! Pasok na! Parang nakakita ka ng multo diyan ah!"

I'm Infinite's Muse?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon