Chapter 11

1.9K 96 14
                                    

Ganun na ang nagyayari halos tuwing pumapasok ako. Lagi akong sinusundo ni Myungsoo. Kahit ilang beses ko siya sabihan na wag na, eh sundo pa rin siya. Ang kulit no? Pero kinikilig ako! Shh! Kilala na rin siya ni Mama. Eh lagi ba naman akong sinusundo tsk tsk. Lagi tuloy akong inaasar ng nanay ko! Tapos minsan sa harap pa ni Myungsoo! Gaya nalang nung isang araw

*flashback*

"Alis na po ako Mama." Sabi ko tapos lumabas na.

Nakita ko na si Myungsoo kaya binati ko siya.

"Good Morning!" Ganda pa ng ngiti ko niyan eh. Mukang sasagot na ata si Myungsoo nang...

"Eh pano ba naman hindi magiging good ang morning ng anak ko eh, sinusundo siya ng gwapong tulad mo! Hay nako iho, simula ng sinundo mo siya lagi na yan maagang nagigising! Pagpatuloy mo lang ok! Sige, alis na. Ingat kayo. Bye mga anak!" Sabay pasok ni Mama sa loob.

O.O

Nakakahiya! Narinig ni Myungsoo! Well, totoo naman yung part na maaga akong nagigising di gaya ng dati. Pero nakakahiya pa rin na marinig niya yon! baka sabihin pa nito, sabik ako sa kanya... hell n-YES! Hahaha! Pero nakakahiya pa rin!

"Maaga pala nagigising ah. Tss. Tara na, good morning Suji. " Sabay ngiti tapos lakad.

EEEHHHHH

*end of flashback*

Diba? Tss. Buti nalang di naiilang sa akin si Myungsoo dahil doon.

 Today, is not like the other day (nuks english) dahil hindi ako susunduin ni Myungsoo ngayon. Nakakalungkot pero okay lang naman. Di naman dapat na lagi niya akong sunduin. Ewan ko lang kung bakit kasi di niya nasabi sakin yung reason basta ang text lang niya ay...

"Suji, I'm sorry. Di kita masusundo ngayon. Mag ingat ka pagpasok baka may mabunggo ka diyan tapos hagisan mo nanaman ng libro. Tsk tsk. " 

Ayan ang text niya. Yehes nag-tetext na kami! Pero di naman lagi syempre. Di naman kasi kami pala-text pareho kasi, ako walang load, at siya hmm di ko alam basta di kami pala-text! 

Nung una kong nabasa iyon ay nalungkot ako syempre, pero natuwa ako kasi tanda pa pala niya yung unang meeting namin! Grabe nakakahiya kasi ang eskandalosa ko pala nong mga panahon na iyon!

Ang galing! Kasi dati kaaway ko si Myungsoo, ngayon uhm medyo close na kami? Ewan! Basta friends kami! At at at at gusto ko siya! Hihihihihi.

ANYWAY

I'm Infinite's Muse?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon