Angela's POV
Naglalakad na kami papunta sa labasan sa gate kasi cinut na yung klase dahil sa nangyari kanina.
~~Nakilala kita sa di ko inaasahang pagkakataon, nakakabigla para bang sinadya at dinagta ng panahon. Inaagad akong nahulog ng hindi napapansin, pero tadhana ko'y di tayo pagtatagpuin~~
"Teka, may tumatawag sakin." sabi ko kay mashiro. Si Agnes lang pala..
[Hello, Angela!]
"bakit?"
[nasaan na kayo? anong nangyari sa ICT?]
"Agnes, patay na si Blaire.."
[Hah??! P-pero b-bakit? P-pano nangyari yun? Sino pumatay sa kanya?]
"Ewan ko, nakita nalang namin sya nakabigti dun sa ICT room.. Di rin namin alam kung sino ang pumatay sa kanya.."
[Hindi kaya dahil dun sa letter na natanggap natin?]
teka... oo nga ! yung letter!
"Oo b-baka nga yun. Sige mamaya nalang ulit, magpahatid ka nalang kay Angelo."
[Sige bye..]
Tinignan ko yung letter pero di ko parin magets kung bakit ganito yung nakasulat.. Tinago ko nalang ulit to at nagpatuloy sa paglalakad.
...
Nakita ko si Sir Rj na punob ng dugo katawan nya. Sya??! Sya ang p-pumatay kay Blaire??!
*TUGSH*
"Aray! Problema mo Angela?!" galit na tanong saken ni Sir.. Tae ba sya?! Di ba sya nakakahalata na sya ang pumatay?!
"Ikaw?! Anong ginawa mo kay Blaire ha?! " sigaw ko.
"B-bakit, ano ba nangyari sa kanya?"
"Wag ka na magdeny Sir! Sabihin mo nga! Bakit ka may dugo sa katawan mo hah?!" Nanggigigil na ako ..
"Galing ako sa may bilihan ng school supplies at nung paalis na ako, natapunan ako ng paint na bloody red! " nawala galit ko.. napalitan ng kahihiyan.. Susko sana kainin na ako ng lupa sa kahihiyan! Teka, bat ako mahihiya dito.. Dapat ko naman sya suntukin sa ginawa nya saken nung.. Ugrhh.. Wag nalang..
"Sige Mashiro, mauna na ako.."
"Sige bye, ingat.." Tumakbo agad ako pauwi kasi biglang sumakit ulo ko at sa kahihiyan na rin siguro..
Umakyat agad ako sa kwarto ko at kinuha yung pampawala ng sakit ng ulo ko.. Bat kaya sumakit ulo ko?Nahiga nalang ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame..
"Haayyy.. Ang boring dito magisa.. Facebook na nga lang ako.." Umupo na ako at kinuha yung laptop at nagopen ng facebook. Hinanap ko account ni sir at inadd ko. Minessage ko din sya dahil sa ginawa ko sa kanya kanina.
Angela: Sorry nga pala dun sa suntok kanina.. Kala ko kasi ikaw ang pumatay kay Blaire, nadala lang ako ng galit.
*1 notification*
~RJ Erdez accepted your friend request. ~
RJ: Okay lang, wag mo nalang gawin yun. Baka madagdagan mo pa yung galit ko sayo.
Nawala bigla galit ko.. Nakaramdam ako ng lungkot.. Di naman talaga ako galit sa kanya eh. Its just that-- Never mind..
Angela: Galit ka pa rin ba saken? Nagsorry na nga ako sayo, nagawa ko pa lumuhod sa harap mo para patawarin mo ako.
BINABASA MO ANG
Computer Room 1
RomanceComputer Room, the favorite place and subject of special science students in Kaiji University,but you rather to stay in that room if you're friends and love ones die there?