Chapter 3

46 3 0
                                    

Mashiro's POV

Hi guys! I want to introduce myself.. I am Mashiro Kaneki, 13 years old. Mahilig ako sa anime at syempre marunong din ako magjapanese! Pero basic lang nman .. hehe.. Mabait ako at friendly, sabi naman ng iba , cute daw ako dahil i have chubby cheeks and pagnag popout daw ako lumalabas yung cuteness ko.. Btw, nandito ako sa bahay ko at nanonood ng cardcaptor sakura. Enjoy na enjoy ako sa panonood nung may nagappear sa screen na fb message. I thought its my classmates or sila Angela lang, pero hindi sila... Hindi ko kilala tong taong to , wala naman akong natatandaan na inadd ko na ang pangalan ay "XDXDXD" . Pero nung nabasa ko yung message nya, talagang kilala niya ako..

XDXDXD: "You should die Mashiro, hindi ka karapat dapat na mabuhay pa! Malaki kang harang sa mga plano ko.. ! I will kill you you'll see. Hahahaha"

Mashiro: "Sino ka ba hah? Pakeelam ko kung anong plano mo!"

XDXDXD: "Wag mo nga akong lokohin! Alam ko marami ka nang alam sa mga plano ko! Lagi mo sinisira yung diskarte ko para sa paghiganti!"

Mashiro:"Wala akong pake kung ano man sabihin mo, wala akong alam sa mga sinasabi mo"

Inout ko na yung fb ko pati yung pinapanood kong movie.. Sumama bigla yung pakiramdam ko at inantok ako bigla.. Itutulog ko nalang to. Agad akong sumalampak sa kama at mabilis na ako hinihila ng antok ko.. Pero bago ako tuluyang makatulog , nakita ko ang imahe ng isang lalaki na masama ang tingin sakin. Di ko alam kung bakit, nakita ko yung isang babae na pinipigilan yung lalaki kung ano man yung gagawin nya.. 

Unti unti na lumalabo ang paningin ko pero namukhaan ko pa yung babaeng yun.. "Maam Xandria.. Zzzzz..."

*KINABUKASAN*

"Guys! I have to tell you something!" Sabay namin napasabi ni MiraJane na halos kararating lang din sa tambayan namin sa school.. Tinignan naman kaming dalawa nina Angela, May, Athena at Agnes.

"Ano na naman yun sasabihin nyo? Wag nyo sabihin na pagtitripan nyo na naman ako na nambababae si Angelo ko?" Sabi ni Agnes sabay roll eyes nya. Araw araw kasi namin sya na niloloko tungkol kay Gelo ehh.. Walang araw na hindi namin sya pagtitripan.. Poor Agnes.. 

"Hindi ako mantitrip.. Kasi parang naging weird yung paligid kahapon nung pauwi na ako.. Pano, nung bumili ako ng kalamares tapos naglalakad na pauwi, biglang umulan.. ! Ang ganda pa naman ng panahon bago umulan eh." Sabi ni MiraJane

"Eh baka naman may kinakasal na tikbalang na naman kaya umulan bigla.." Kumento ni May.

"Umulan naman talaga sya, walang kasamang araw.. At saka bigla nalang may tumatakbong babae papalapit saken tas bigla syang nadulas at nahulog sa kanal na nasa harapan ko.. Eh wala namang kanal dun nung dumaan ako ehh." Halata sa boses ni MJ na natatakot sya.. putlang putla yung mukha niya habang nagkekwento sa mga nangyari sa kanya..Tinuloy tuloy pa nya ang kwento hanggang natapos sya. Kinwento nya rin yung scene nya sa bahay na nagdasal sya at napagtripan sya ng pinsan nya at kapatid nya..

Imbis na seryosohin namin yung kwento nya ewan napatawa nalang kami.. Pano di kami matatawa, naiimagine namin yung itsura nya nung tinuro sa kanya nung kuya nya na may multo sa likod nya hahaa!

"Wag nyo nga ako pagtawanan! Kung kayo sa pwesto ko baka nasa hospital na kayo sa sobrang takot kaya inatake na kayo!"Inis na sabi ni MJ.. Nagkatinginan kaming lima tapos tamang tawa na naman.. "Hahaha!! A-ang oa mo girl.. atakihin agad? Di ba pwede manigas lang muna sa pwesto namin?" Natatawang sabi ni Athena..

"Napaparanoid ka na siguro MiraJane. Hahaha , Tanghaling tapat may magpaparamdam?! "Sabi ni Angela..

Tawanan naman ulit kaming dalawa.. "Psh ! Oo na! Kala nyo nagbibiro.. So ano naman nangyari sayo Mashiro?" Tanong sakin ni MJ.. Napahinto ako sa pagtawa at naalala yung nakachat ko kahapon.. Para akong nakaramdam ng takot.. 

Computer Room 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon