Chapter 4 - Story of Angelica Javier

29 3 0
                                    

Angela's POV

"Z-zanian, patay na s-si E-eryn.." Humihikbing sabi ng class president namin habang hawak  phone nya..

Nagmamadali kaming pumunta sa ICT para malaman ang katotohanan.. Nakita namin yung pinto ng ICT room na sira na..

Nagmamadali agad si sir RJ na buhatin si Eryn para ilabas at ilagay sa abulansya.. Naalala ko tuloy yung oras na sobrang taas ng lagnat ko at binuhat din nya ako papunta sa hospital. At saka sa pagmamadali nya naaksidente pa kami sa paparating na kotse.   Nawalan ako ng malay nun dahil sa pagkabagok ko sa kalsada..

*Flashback*

"Doc! Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo para mabuhay sya! " sir RJ.. Nagkamalay ako tas nakita kong puro dugo at sugat na sya sa katawan gawa ng aksidente samin. Pero di nya ako iniwan hanggang sa matapos akong gamutin..

Wala nun si ate xandria .. Nasa ibang bansa kasi sya at si kuya rj ang nagbabantay sakin habang wala sya..

"Angela, okay ka na ba? " tanong sakin ni kuya .
"Kuya, okay na ako .. Magpahinga ka muna" sabi ko..

"Hindi.. Hindi muna ako magpapahinga hangga't di ka gumagaling" pagmamatigas nya..
"Tss.. Okay finee" sabay pout ko..

Sobrang maalaga sya sakin.. Di nya talaga ako hinahayaang magisa na maglaro, mamasyal o kung ano pa..

*End of Flashback*

Di ko namalayan na may luha na pala na tumatakas sa mga mata ko.. Di ko akalaing dahil lang sa isang pangyayari, di na kami pwedeng maging katulad ng dati :'(

Naalala ko din yung una naming pagkikita  dun sa park.. Memorable sya sobra saken.. At hinding hindi ko yun malilimutan..

*Flashback*

"Angela, gusto mo ba makilala yung boyfriend ko? Para may kuya ka na rin na kapatid " Ate Xandria.

"Sige sige! Haha masaya yan!" Tuwang tuwa na sabi ko

"Haiisstt! Ang cute mo talagang bata ka"  Sabay kurot ng pisngi ko.

"A-aray! Ate Xandria naman ee! Masaket nung kurot mo" Sabi ko sabay pout..

"Hehehe sorry po.." Sabi nya . "Halika na nga, dun daw tayo magkita sa park" Okay ! excited na ako makita yung magiging kuya ko :)

Si Ate Xandria nga pla yung kapatid ko kuno. Nakilala ko sya sa unknown school kung saan ako naligaw noon. Umiiyak lang ako nun tas bigla nya ako nakita at pinatahan.  Tinulungan din nya ako na makauwi sa bahay ko. Dun din nya nalaman na ako lang magisa sa bahay kasama ang mga maids.. Kaya simula nung araw na yun, madalas na nya ako sinasama sa mga gimik nya at minsan sinasama nya ako sa school kung san sya nagtuturo, teacher kasi sya ng mga high school students kaya kadalasan tawag ko sa mga istudyante ni Ate Xandria ay Ate at Kuya. 
3 years old palang ako nun at inalagaan nako ni ate Xandria for almost 2 years din. Para na syang nanay kung ituring ko kesa sa nanay ko na nasa ibang bansa na hindi man lang ako nagawan kamustahin.. Tuwing naaalala ko yung mga magulang ko chinicheer up ako ni Ate Xandria .. Sobrang bait nya sakin.. Di nya ako hinahayaang magisa lang.. Kaya san man sya magpunta kasama nya ako.

Computer Room 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon