MiraJane's POV
Heto na naman , oras na naman ulit namin para sa subject na ICT. Lahat ng kaklase namin ay sobrang tahimik habang kami ay papasok ng kwarto. Bakas pa sa kanila ang takot dahil sa nangyari kela Blaire at Eryn..
*Do you remember how it felt like? i still remember how the days that end, the weeks and months we were together for so long I haven't noticed, that we're falling down too fast
If I could take it all back I still want you by my side. If only I could bring you back to me
If I could go back in time promise we won't say goodbye I never really moved on, No, not in time... *Napatingin kami kay Angela.. Nakatitig lang sya sa tumutunog nyang cellphone..
Ano meron sa kanya? Bigla kasi nagiba yung aura nya ngayon. Parang naging...... Naging malungkot.
Pumunta sya sa pwesto nya ng may lungkot sa mukha nya..
"Ano kaya problema ni Angela? Bat parang lumungkot sya?" Tanong sakin ni Mashiro
"Di ko alam ehh.. Kanina kasi may tinititigan sya sa cp nya.. Ano naman kaya yung nandun at nalungkot bigla tong babaeng to.. "
Inirapan nya lang ako.
"Mashiro, MiraJane .. Pumunta na kayo sa pwesto nyo at maglelesson pa tayo.." - Maam Ramirez
"Okay maam.." sabay naming sabi.. pumwesto na kami at nagsimula na si maam na magturo samin
~~~~~~~~~~~
Nasa kalagitnaan kami ng klase nung dumating bigla si Sir RJ na halatang puyat na puyat .
Binati na namin sya at tumango lang sya.
Iba rin itsura neto ehh.. Parang si Angela lang.. Ano ba meron sa mga tao sa paligid namin??! Nakakabwisit yung mga mukha nilang ganun!
krrriinngggg*
Yes!
Bell na and Vacant na! Wiihhiieee!
" oh yung mga cleaners dyan maglinis na hah ..." Sabi ni Sir RJ
Nagsimula na kami maglinis ...
Biglang tumawa ng malakas sila Agnes at Angela ..
"Problema nyo at tawa kayo ng tawa.??!" Tanong ko .
Bigla may inangat silang feather daster at tinapat sa buhok ko..
"Hahahahahah!! Twin sister mo pala sya MJ ehh! Bat di mo sinabi ?? Hahahaha" tawang tawa na sabi ni Athena..
Well... Feather daster kasi may pagkakulot ung balahibo diba? Eh kulot po buhok ko kaya ganun -_-
"Gagu... Hahahahaha" natawa nalang ako imbis na mainis kasi ngayon naman nakangiti na ulit si Angela kaya okay lang
Kasi kung magiging kj na naman ako babalik na naman yung kalungkutan na nakita ko kanina sa kanya kanina kaya ako na gumawa ng paraan.
"Guysss!! Meet my twin sister NJ! "
Tawanan naman sila lalo..
"Pfffftt!!!!"
Napatingin kami kay Sir RJ na napabuga ng tubig...
"Hahaha! Dahan dahan lang po kasi sa tubig S-sir RJ.... "
Pilit na tawa ni Angela... Bat may kakaiba sa kanila????
"Bat ba kayo weird ngayon hah... Ano---"
"Katahimikan!!!! "
Biglang sigaw ni Riley.. Yung nerd na girl..
Problema nito..?
"Ohh? Bat kayo natahimik? Nagjojoke lang naman ako eh! Haha " sabi nya..
"Bat ka nga pala nandito?"
Tanong ni Angela
"Hm... Wala lang naman .. May sasabihin sana ako pero gusto ko dun tayo sa labas magusap.."
Lumabas naman kaming 7 sa room.
Naglakad narin kami papunta sa tambayan namin at biglang nagsalita si Riley.
"Diba natatandaan nyo ung pagpatay kela Blaire at Eryn?"
Naalala ko na naman yung nakakadiring mga itsura nila... Nakakaawa talaga .
Napadaan kami sa corridor kung saan sobrang tahimik at bihirang magkaroon ng istudyante..
Antahimik.
"Guys.. Kilala ko na kung sino ang killer"
Napahinto kaming lahat at napatingin kay Riley..
Sino yung killer? Kailangan naming malaman agad...
Kaso naramdaman ko na may sumusunod samin..
Agad naman akong lumingon at nagulat nalang ako ng papahampas na yung kahoy sa akin...
Sa sobrang bilis ng pangyayari naramdaman ko nalang yung hampas ng ulo sa akin at nakaramdam ng sobrang sakit ng ulo.
Napabagsak ako sa sahig at nakta ko sila Angela , Mashiro, Agnes, Athena, at May na nasa sahig at walang malay..
Duguan din ang ulo nila...
Pinilit kong lingunin yung taong nanghampas sa amin pero sobrang labo na ng mata ko..
"Mj! Tulong!! Tulungan nyo ako! Pakawalan nyo ako ano ba!!!"
**************
Ano ang nangyari kay Riley??
Sino kaya yung humampas kela MiraJane?
Abangan!
***********
READ.. COMMENT.... VOTE!
Byeee!!
-JaiEunBaozi
BINABASA MO ANG
Computer Room 1
RomanceComputer Room, the favorite place and subject of special science students in Kaiji University,but you rather to stay in that room if you're friends and love ones die there?