Chapter 5 - Story of Angelica Javier 2

27 3 0
                                    

"Xandria! Nasaan ka na? Lumabas ka na nga kung saan ka man nagtatago ohh! Gusto kita makita"
Naalimpungatan ako ng marinig ko sumisigaw si Kuya Rj na nagpupumilit tumayo para hanapin si Ate Xandria .

Madami syang sugat at may cast yung kanang binti nya. Samantalang ako naman ay may dextrose nakakabit sa akin. Medyo nakakahinga na ako ng maluwag di katulad kahapon..

Oo, kahapon. 1 araw kaming tulog. Asthma lang naman sakit ko pero bat ngayon lang ako nagising?

"Kasalanan mo to babae ka ! Kung di ka kasi nagmatigas ng ulo sana kasama ko pa sya! Sana masaya pa kami! Laki mong harang sa buhay namin! " sigaw nya sakin.

Sobrang sakit na marinig yun galing sa kanya.. Para ko na syang kapatid at di nya ako nasisigawan ng ganyan.

Tumulo nalang luha ko sa mga narinig ko. Galit na galit sya sakin..

"S-sorry kuya.. "

"Umalis ka nalng dito....!    
.
.
.
.
.
..
..
.
.
.
.
.
Kung gusto mo magkaayos pa tayo, ibalik mo sakin si Xandria. Ibalik mo yung mahal ko "

Alam ko naman di ko yun magagawa. Maliit palang ako.. Imposible yung gusto nya mangyari..

Nung kinagabihan nagpatawag ako sa nurse para tawagin driver ko para sunduin ako sa hospital..

"Kuya , alis na ako... Pagaling ka." Paalam ko pero di nya ako nilingon o sinagot man lang..

Umalis na ako ng hospital na mabigat ang loob ko. Gustong gusto nya makita si ate Xandria at gagawin nya ang lahat para makita sya at yun ay yung pinagsamahan namin.. Masisira lang yun kung hindi ko gagawin yung gusto nya mangyari..

Pagkatapos ng dalawang araw na pahinga ko dinalaw ko sa hospital si kuya para checkin kung okay lang sya.

"Kuya, prutas pala ohh.. "

nilapag ko yung prutas na pinabili ko sa kanya. Medyo magaling na yung kanyang mga sugat sa katawan. Baka makalabas na sya bukas o mamaya sabi ng doctor.

"Di ko na kailangan nyan kung galing lang sayo . de bale nalang."

Haisst.. Kailangan ko talaga hanapin si ate Xandria, kaso pano ko sya hahanapin? Wala akong alam sa mga lugar..

6 yrs. old lang ako..

Tinry ko hanapin sa mga lugar na madalas namin tinatambayan ni Ate pero wala sya

Nireport narin namin sa pulis na nawawala sya.

Computer Room 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon