Chapter 5---- The Golden Picture....

80 1 0
                                    

BUSY pa rin ako sa kabibilang ng kayamanan ko sa shop...nang napansin kong nanahimik yata ang mga maiingay kong customers.

Nang mag angat ako ng tingin para tingnan sila ay nakta kong nagkakagulo sila sa isang sulok ng shop ko kung saan nandoon ang mga blow up pictures ng mga Saraelle Boys na ginawa kong mosaic...

Dahan dahan akong lumapit sa kanila at nakiusyoso.

"Hey." Untag ko sa mga ito... Pero hindi man lang sila natinag at patuloy pa ring nakamasid sa mga litrato.

"Peach...who's that??" Tanong ni Lucylien, Isa sa pinaka mayaman kong customer dito sa shop..

"Huh? Who's who?" Nagtatakang tiningnan ko ang tinuturo nitong litrato.. nang makita ko iyon ay napangiti ako..

It was Cloud...

"He's Cloud, Cloudio Montez.." nakangiting sabi ko.

"Cloud?" Bigla na lang itong tumili. " Ang ganda niya."

" Bagay sa kanya ang pangalan niya... Cloud..Feeling ko nsa heaven ako.." Sabi ng isa na niyakap pa ang sarili.

"Oo maganda talga yan."

Nangingiting sabi ko havang nakatitig din sa litrato. Isa ito sa mga matitinong stolen shots ni Cloud. Karamihan kasi sa mga kuha ko ay kung hindi nakatalikod lagi nlng nakakunot ang noo nito o di kaya ay nakasimangot..

But this shot? it's perfect... Cloud was standing next to his horse while petting its mane... He's expression so serene you could have thought he was praying... The wind caressing his slightly long hair....Pero may isa pa ring kulang...ang ngiti nito.... Kahit kaylan hindi ko pa nakikitang ngumiti yung isang yon. Pero hindi bale gagawin kong misyon sa buhay ang mapangiti iyang si Cloudio....Well pangalawa sa misyon kong maakit si Icel Jack..

But i promise someday I will see Cloudio Montez with a smile on his face.

"Kapag nakita niyo yan sa personal baka ibenta nyo mga kaluluwa niyo..."

"Gusto kong ibenta ang kaluluwa ko!!"

"Kahit nanay ko ibebenta ko makita ko lang siya!!!"

"Peaches De Vera, I want that picture." Sabi ni Lucielyn habang kumukuha ng cheke.. "Name your price"

"One thousand," Sagot ko agad. Bahala na kung papatulan niya o hindi.

Eh,pinatulan nga. Sasagot na sana ako ng may isa pang customer na sumingit at nag bid.

"Peach, one thousand five hundred."

Sunod sunod ng naki bid ang iba para sa larawang iyon ni Cloud. Kaloka kakaiba talaga ang ganda ng lalakng ito. Wuuuu...Hanep.

"Twenty thousand!!" pasigaw na sabi ni Lucielyn,sabay sulat sa cheke na hawak nito. " Sige ang isa pang mag bid sa inyo sasabihin kong ipatapon sa Ilog Pasig ng mga bodyguards ko."

Walang umimik. Tumawa na lang ako.Ibsng klase talaga ang aura ng mga Saraelle Boys na iyon. Kahit anong may kinalaman sa kanila pinapatulan ng mga tagahanga nila.Those women can't get enough of these men! Binalingan ko ang larawan ni Cloud...Sa tuwing makikita ko kasi ang magandang mukha nito hindi ko mapigilan ang ngumiti...Parang isipin ko pa lang na mawawala na iang litratong iyon parang ayoko ng mabuhay...Joke!! hindi naman parang kulang lang kasi ang araw ko.

"Sorry,Lucielyn, Pero kasi hindi ko talaga ipinagbibili iyang picture."

"What? Pagkatapos kong makipag agawan sa mga palakang ito??? Besides twenty thousand na iyon for a mere picture."

"Kaya nga eh, Picture lang twenty thousand na nakakahiya naman sayo..Saka baka makasuhan pa ko ng over pricing kaya hayaan nalang natin iyan diyan nang lahat tayo ay makinabang, Everybody happy kumbaga...He-He-He."

"Tayo? Akala ko ba, may Icel Jack kana? bakit nakiki tayo ka pa?"

"Siyempre, noh. Alangan namang kayo lang ang makinabang sa biyaya ng Diyos? Oy nasa ten commandments ang Share your blessings, wag kayong sugapa."

"Ikaw nga itong sugapa eh, May Icel Jack kana pati ba naman si Cloud? Kainis ka naman eh hayaan mo na lang siya samin."

"Hindi ko naman kayo inaagawan ah"

"Eh bakit parang binabarikadahan mo si Cloud?"

"Ha?"

"You dont want to share him with us."

"Ha? Hindi noh" mariing tanggi ko na paulit ulit ipinipilig ang ulo.

"You're blushing." Naninigkit ang mga matang obserba ni Lucielyn.

(Shet!! I'm blushing?? Really?? Bakit naman? At binabarikadahan ko daw si Cloud? Well, duh! )

Kinuha ko ang larawan ni Cloud sa pader, ibinigay iyon kay Lucielyn, saka kinuha ang cheke nito.

Nginitian ko ito ng matamis. " Have a great day ahead!" sabi ko saka ipinaypay ang hawak na cheke sa mukha ko.

"Thank you. Basta Peach ah kapag meron ka pang picture ni Cloud sakin mo na ibebenta ok?"

"Sure! Ano bang gusto mong pose? nakaupo?, nakatayo?, natutulog? nakapikit?,nakanganga?, naliligo?, o nakahu---"

Nawala sa kamay ko ang hawak kng cheke na kanina lang ay gingawa kong pamaypay.

"Magnanakaw!" I screamed. Pero nang tingnan ko kung sino ang pangahas na kumuha ng cheke ko ay agad kng naitikom ang bibig ko.

"Cloud, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

Dinig na dinig ang malaks na pagsinghap ng mga customers ko habang tila starstruck na nakatunganga lang ang mga ito kay Cloud.

"I'm here to take the payment for my picture which -if I may add - you sold without my permission."

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti .

"I'm a businesswoman."

"No, Binalingan nito ang mga larawan sa dingding.Umiling na lang ito. "You're pathetic."

"Like I said I'm a businesswoman."

Hindi ko alam kung ano ang iniisip nito nang nakakunot-noong binalingan ako nito bago nilapitan si Lucielyn.Pagkatapos kinuha nito ang larawan at ibinalik sa babae ang cheke nito.

But before going out the establishment he looked at me one more time.

"And by the way, You will never see me naked in a bathroom." He said stone faced then walked out.

Napabuntong hininga ako. " I'm poor."

"I'm in love!!!" Sabay-sabay na sigaw ng mga customers ko.

Loving The Same Man For The 2nd Time Around (Cloud Montez- Isla Saraelle Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon