Chapter 13--- The Curious Case Of Weirdness...

46 0 0
                                    

 WHAT THE HELL!!”

 Hindi ko pinansin si kuya dahil busy pa rin ako sa pag aasikaso kay Icel Jack na tuloy pa rin sa pag ubo.

“Icel okay ka lang ba? Ano ba kasing nangyari sayo?”

“Mukha bang okay iyan? Eh kulang na lang yata maubo niya pati baga niya eh “

Tiningnan ko ng masama si Xandros.

“Kanina ka pa Alexandros Sandejas  ah! Kung wala kang maitutulong manahimik  ka na nga lang kung ayaw mong ikaw ang umubo ng dugo diyan!”

He just grinned at me which irritated me even more.

(Ano ba kasing problema ni Icel? Kinain niya lang naman iyong niluto ko bigla na lang siyang nag uubo. Di naman kaya may lason sa ginawa kong pagkain? At ngayon mamamatay na si Icel? Oh my! Nilason ko ang pinakamamahal kong irog? No!)

Pero natigil ang pagdadrama ko ng may maisip

(Pero kung may lason yon edi sana kanina pa nangingisay sa sahig tong si Xandros saka si Cloud.)

Tiningnan kong mabuti si Xandros kung malapit  na bang bumula ang bibig niya.

(Hmmm.. mukhang hindi pa naman.... Sayang)

I looked at Cloud.

He was still busy reading his book and ignoring us like we weren’t there at all.

I shook my head.

(Grabe tong taong na to wala pa ring tinag kahit yata may bumagsak na bomba sa harap niya hindin niya mamamalayan eh.)

Since nagagawa pa niyang magpaka cool at isnabin kaming lahat I guess hindi pa rin naman siya mamamatay.

(Eh kung ganon anong problema sa niluto ko?)

Hindi na ko nakatiis kaya lumapit ako kay kuya at inagaw ang kutsara niya saka ako na mismo ang tumikim sa niluto ko.

“Ano ba kasing problema niyo sa niluto ko? I’m sure naman masar---- PWE!!!!”  Bigla kong naibuga ang sinubo kong champorado..

“Oh shit!!”  I heard someone say in front of me.

It was Xandros, siya lang naman kasi ang mapagpalang nabugahan ko ng champorado.

This time I was the one who was coughing wildly...

“Leche! Bakit ang alat!!! Pwe! Pwe! Pwe!”   Kumuha ako ng tissue at pinahid iyon sa dila ko para mawala ang lasa. But to no avail.

(Grabe ang alat!!!!)

“Here.” Cloud handed me some water which I drink in large gulps.

“What the hell was that?” I said when I was done.

Kuya put both his hands on his hips and stared me down.

“You tell us, ikaw ang nagluto non.”

“Ako? Aba malay ko sinunod ko lang naman ang instructions sa cook book ah!”

“Cookbook?” Tanong ni Kuya.

“Oo, ginawa ko kung ano man ang nakalagay don kaya kung mayb dapat sisihin yung cookbook iyon!!”

“Sinabi ba nang cookbook mo maglagay ka ng isang timbang asin?”

I scowled at my brother.

“What? Of course not, Ang sabi lang maglagay daw ako ng...Oh crap!!”

“What?”

Natapik ko ang noo ko ng may ma realize.

“ Napagkamalan ko sigurong asukal yung asin na nilagay ko.” Nanghihinang sabi ko.

“Ano? Bakit kasi hindi mo muna tinikman?”

“Aba malay ko ba naman kasing asin pala yun noh!!! Kasi naman walang label yung mga condiments sa bahay!!”

They all sighed in unison and shook their heads.

“Hay nako, Peaches kahit kailan talaga” Kuya said then looked at Xandros who was still wiping bits of brown rice from his face.  “I can’t believed you really ate that.”

(Oo nga pala kinain din yun ni Xandros.. But he managed to eat it all didn’t he?)

“Xandros, Bakit hindi mo sinabi sakin?”

He smiled at me then said..  “ I would’ve, But Cloud kept on glaring at me to shut up, So I did.”

“Cloud?” I said..

(Shocks!!! Kinain nga din pala ni Cloud ang niluto ko!!)

I rushed at his side and tried to take the champorado he was still eating but he refused to give it..

“Cloud!! Anong ginagaw mo bakit mo pa rin iyan kinakain? Akina yan”

“Stop it. I’m eating” Pinalis niya ang kamay ko na pilit inaagaw ang hawak niyang mangkok.

“Pero lalo kang magkakasakit niyan!”

Cloud looked at me like im nuts.

“Peach I was kicked by a horse not sick.”

“Ah basta ganon na rin iyon. Tantanan mo na nga iyan!”

Nang hindi pa rin niya iyon ibinigay sakin ay naiinis na nagpapadyaak ako.

“Magkakasakit ka pa sa bato niyan eh.!”  Naiinis na sabi ko.

(Kaasar!! bakit ba kinain niya pa iyon? Adik ba tong si Cloud?? Nakakahiya bonggang bonggang pag bibida pa  naman ang ginawa ko sa niluto ko, sobra naman palang alat parang binuhusan ng isang timbang asin.)

“Bakit ba kasi kinain mo pa?”

Without looking at me he said..

“You cooked it for  me right?, And besides pinaghirapan mo to.”

Natigilan ako. Did I just heard what I think I heard?  Nagsalita ng lampas sa four words si Cloud?

I shook my head mentally...   

No aside from that  did he just said he ate it because I was the one who cooked it? For him?

What am I supposed to say to something like that?

I dont know, I didn’t know, Because this is the first time I heard Cloud say something so...........sweet

“Cloud..Cloud... Waaaaahhhh Cloud!!!!”  Naiiyak na niyakap ko si Cloud na ikinagulat ng lahat ng tao sa kuwarto.

“What the--- Peaches!! Get off me!” Naiiritang sabi ni Cloud.

Hindi ko pinansin ang protesta niya at niyakap pa rin siya.

When he lifted my hands off him, I gave in.

Tumingin ako sa kanya and gave him one of my sweetest smiles.   “Thank you.”

I said then kissed his cheeks, which shocked him more.  Even my brother who cleared his throat loudly and said.

“Oh dear,I just saw my baby sister kissed someone, Mukhang babangungutin yata ko mamaya.”

I ignored him and everyone else who was teasing me including Icel Jack.... .... ..... ICEL JACK?!!!

Oh my god!!! Did he just saw me kissed Cloud????

Oh no!! Baka isipin niya gusto ko si Cloud!!!!

“Icel, mukhang hindi na ikaw ang destiny ni Peaches ngayon.” Nang aasar na sabi ni Xandros...

I glared at him.

“Shut up!! That’s not true!” 

But they just all laughed at me... And in the end I joined them..

All in all I guess hindi na rin masama ang ending nang araw na to considering I cooked something weird...

And when I glanced at Cloud  I think he smiled...Just a little... I think...

Loving The Same Man For The 2nd Time Around (Cloud Montez- Isla Saraelle Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon