Chapter 7---- Forgive and Forget....

77 1 0
                                    

★★--------------------------------------------------

PEACHES DE VERA on the right ///>

--------------------------------------------------★★

"HEY CLOUD!!" Tawag ko sa binata ng sa wakas ay nakita ko na rin ito kanina ko pa kasi siya hinahanap halos nalibot ko na nga ang Isla tapos nandito lang pala siya naglulunga sa outdoor riding arena habang nililinis niya ang pinakamamahal niyang kabayo.

Kumaway ako nang makita kong kunot noong lumingon ito sakin.

"What the hell are you doing here?" Tanong nito ng tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Hep.Hep.mamaya mo na ko sermunan puwede? Aba akala mo ba madali kang hanapin? napagod kaya ko kakahanap sayo." Hingal na hingal na reklamo ko.

Tumahimik naman si Cloud habang kunot noong nakatingin lang sakin.

Tiningnan ko siya.

"Talagang titingnan mo lang ako? Hindi ka man lang ba mag o-offer nang tubig diyan?" nakapameywang na tanong ko sa kanya.

"And why should I? Kasalanan ko bang nagtatakbo ka papunta dito?" Sagot nman nito na wala pa ring pagbabago sa ekspresyon.

Napailing na lang ako.

"Grabe wala kang puso! Akala mo diyan!! Pano nalang pag namatay ako sa sobrang hingal? o kaya na de hydrate ako? hindi ka man lang ba naawa sakin? hindi ko pa pangarap mamatay ni hndi pa nga ako nkakagawa ng last will and testament!! At saka hndi pa kami kinakasal ni Icel Jack!! Alam mo bang pangarap kong magka anak kami ng mga sampu? Ta-----"

Cloud held up a hand to stop me.

"Save it, wala akong balak malamn ang auto biography mo o kung ano mang mga pantasya ang meron ka kay Icel Jack."

Umalis si Cloud sa harapan ko sandali at pagbalik nito ay may dala na itong bottled water.

Inabot niya iyon sakin ng walang imik.

"Uy, salamat.. Kaya lang wala bang juice diyan?"

Napabuntong hininga na naman ito saka biglang umalis ulit sa harap ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang canned juice na inabot niya sakin.

"Yun! salamat ulit." iinom na sana ko ng tingnan ko siya ulit. " Teka lang baka naman may lason ito ah" Nagdududang tanong ko sa kanya.

"Bakit naman kita gugustuhing lasunin?" Takang tanong nito.

Uminom muna ko ng juice bago sumagot.

"Siyempre alam mo na, para masolo mo na si Fafa Icel Jack ko".

"Talaga bang hindi mo pa rin ako titigilan tungkol diyan?" Halatang nainis na nman ito sa kanya.

(Oh no, not good)

"Joke lang eto naman masyadong hard feelings." Hinampas hampas ko pa siya.

Nang tingnan ni Cloud ang kamay kong nakahampas sa kanya ay agad na natigilan ako at napatingin sa kanya na sakto namang napunta na rin sakin ang atensiyon. Ilang sandali din kaming nagkatinginan bago tumikhim ito at tinaasan ako ng kilay sabay turo sa kamay kong prenteng prente pa ring nakahawak sa braso niya.

Parang napasong tinanggal ko naman iyon saka luminga linga sa paligid.

"Bakit nga pala ikaw ang naglilinis sa kabayo mo?" Pag iiba ko sa usapan.

Nagkibit balikat lang ito at binalikan na ulit ang paglilinis sa kabayo niya.

"Alam mo sa tingin ko maganda iyang ginagawa mo kasi siyempre alam mo na mas ma fe-feel ng kabayo mo na mahal mo talga siya at inaalagaan mo siya, you know parang hands on mommy lang?"

Loving The Same Man For The 2nd Time Around (Cloud Montez- Isla Saraelle Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon