4: The Ex

2.5K 51 1
                                    

J A S M I N E

"Violet, nag-take na ba ng meds si Papa?" tanong ko sa kasambahay namin. But really, she's like family to me now. Kaso ang gusto niya 'Violet' lang tawag ko sakanya, the weird lady.

Tumango siya at binigay sa'kin 'yung letter na bigay ng doctor ni Papa. "Oo. Sabi din ng doctor na mas maayos na siya ngayon, lalo na't kumo-konti daw stress ng Papa mo."

Napangiti naman ako sa balita at uminom ng kape na gawa ni Violet. Napangiwi pa ako dahil medyo mapait--or maybe mas gusto ko lang 'yung gawa ni Derick. His was so perfect. "Thank you, Violet. May kailangan ba dito sa bahay?"

"Wala na," sagot niya at tumabi sa'kin para kumain. I respect her so much that she eats with us, never in the kitchen. "Nag-alala nga lang ang Papa mo kagabi. Late ka na naman daw umuwi, e."

Tumango ako. "Nagkita pa po kami ni Belle," sagot ko.

"I-text mo ako next time, ha? Para 'di na kami masyadong kabahan ng Papa mo. Alam mo naman 'yun," sambit ni Violet kaya naman natawa ako.

"Sige," sabi ko. "Baka nga late ako ulit today. Dadaan ako sa Metro."

"Basta mag-ingat," paalala niya.

"Yes, Violet."

"Nasa labas na si Amiel, ready na daw sasakyan mo," sambit niya kaya naman dali-dali kong kinuha 'yung bag ko at nagpaalam. Dumaan din ako kay Papa at humalik lang sa pisngi niya dahil tulog pa siya tapos ay lumabas na ako. Maaga pa--half past 6AM--pero alam kong mata-traffic na kami.

"Good morning, Kuya Amiel," bati ko sa long-time driver namin.

Ngumiti siya at pinagbuksan ako. "Magandang umaga din, Jasmine."

I smiled. "Sa Clishique po muna tayo, Kuya. Madami akong appointments ngayon."

"Walang problema," sagot niya at sinara na ang pinto bago umikot para pumunta sa harapan.

Moments later, we were on the road kaya naman binasa ko nalang ang letter ng doctor ni Papa.

Miss Jasmine Cortez,

I am glad to inform you that your father, Manuel Cortez, is recovering quicker than expected. In no time, he will be healed and ready to leave his bed-rest. But I do recommend that he stays rested for two or three more weeks.

I left another prescription for his migraines, and be sure to only use that medication so it won't crossover with his other medications. Be aware always.

Sincerely,
DR. Rauza
Cardiologist/Physician

Bumuntong-hininga nalang ako. At least nagre-recover na si Papa, at mas maayos na siya ngayon kesa noong nakaraang buwan na talagang hindi pa siya makakain. Bwisit naman kasi, sa dinami-dami ng tao, si Papa pa 'yung nagka-heart disease. Bakit 'di nalang 'yung mga mass murderers? Bakit 'yung napakabuting tao pa? Nakakagago talaga ang buhay.

My phone beeped at that moment and I saw a text from Ariel.

Ariel: Jas, I'm gonna need the models for the full wedding venue. Church and reception.

Napasimangot ako. Oh, yeah. The Andres' full wedding. Nakalimutan ko na 'yun.

Jasmine: Okay, Ari. I'll send the rough model later today. Is that okay?

Ariel: More than okay. Thank you, Jas. See you later!!

Jasmine: Love you, Ari.

Ariel: Love you, too :)

Ari is the sweetest. Which is so ironic dahil in love siya isang lalaking opposite ang salitang 'yun. Pero I can't judge: I once was like Ariel, pero na in love ako sa isang gago. Love works in mysterious ways--and I want nothing to do with it at all. Nakakainis lang.

Princess Series Two: The Bitter BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon