Chapter 36: Hellhound's Secret

3.1K 85 30
                                    

Alexa's POV

Mabilis kong inalis ang USB sa laptop ko at binigay ko sa kanya.

"Salamat pero buo na ang plano ko." Hanggat maari gusto ko sa akin, kay Uncle at RBO lang iikot ito, walang Alvarez, walang Gonzales at wala sino man.

"Makinig ka Alexa, kung itutuloy mo yang plano mo.. hindi... Iba nalang.. Alexa makinig ka naman kahit ngayon lang. Ang dami mong kalaban sa gagawin mong 'yan utang na loob naman." Sinarado ko ang laptop ko at kinuha ko ang bag ko. Hindi ako makakagawa ng maayos hanggat nasa paligid ko si Mia.

Dalawang araw kong pinagispan ang planong 'to at alam ko na napakadespirado ng gagawin ko. Kung ipapasa lang ang mga ideya namin ni Mia kay Uncle Ben sigurado ako na siya ang papaburan at hindi ang akin. Buo na ang plano ko at willing akong itaya ang sarili ko dito. Kukunin ko ang pera nila at ilalagay ko sa pangalan ko, tapos ang unang hakbang. Bukod sa buhay ko may pangalawa na kong alas na ako laban sa RBO.

Bago pa man nila ako matunton nakuha ko na si Uncle.

Magiging madali sa parte ko kung kukunin ko si Loydever at nakaksigurado ako na kapag ginawa ko iyon madadamay si Mia. Pilit ko ng inaalis si Liam sa sitwasyon at wala akong balak maghanap ng ipapalit sa kanya. Ito lang ang galaw na masasabi kong siguradong walang madadamay na ibang tao bukod sa amin ni Uncle.

"Nakita mo naman ang laman hindi ba, Trillion Alexa, sa trillion na iyon lahat yun namo-monitor nila. Loydever hired some IT specialist just to monitor their account. Kung itutuloy mo yan, makita lang nilang nababawasan ang kaban maalarma na sila. Magagawa nilang kumilos at madedect ka ng mas mabilis sa inaakala mo. Makinig ka naman." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Wala na akong panahon para makipagdiskusyon sa kanya. Dadating na rin maya-maya ang nakakatandang Gonzales dito, at bago pa mangayari iyon dapat nakaalis na ko.

"Nanggaling na ko sa mundo na pinapasok mo sana pakinggan mo naman ako."

'Alam ko kaya hindi ko hahayaan na madamay ka.'

"Anu bang gusto mo? Ang solohin lahat ng ito? Para ano? Masabing magaling ka? Masabi na lahat. "Wow nagawa ni Alexa iyon magisa. Ang galing!" Ganun ba? Ganun ba ang gusto mo?" At gaya ng ginawa ko kanina, hindi ko pa din siya pinansin.

"At kapag nagawa mo yan, bayani ka? Ikaw ang magaling."

'You don't know everything Mia.'

"At kapag naging bayani ka anong sunod? Pupurihin ka nila, bibigyan ng award, Solo eh!" She said sarcastically. For the nth time I ignored her, again.

"Kasi ikaw yung malakas, matapang at higit sa lahat walang pakiramdam!" Napatigil ako sa ginagawa ko at unti unting humarap sa kanya.

"Hindi mo alam kung anung nararamdaman. ko." One tear fall downs to her face. Dapat hindi ako humarap.

"Kasi tinatago mo, o maari naman yun din naman ang totoo hindi ba?" Another tears. "Paano naman yung nararamdaman ko Alexa, namin ni Liam sa gagawin mo. Bakit puro ikaw nalang!" Tears like a flowing river.

"Ako kasi natatakot ako, natatakot akong masaktan kayo. Natatakot ako na madamay sa gulo na dapat ako lang ang humaharap. Ako dahil makasarili ako. Gusto sa akin lang iikot to hindi dahil matapang ako o dahil nagpapakabayani ako kung di dahil ayokong magaya kayo sa naranasan ng mga mgaulang ko. Duwag akong magisa, kaya hindi ko hahayaan na madamay kayo sa gulo na meron ako. Hindi ko na kaya pang mawalan Mia, hindi ko kaya." Hindi ko narin maiwasan ang hindi maiyak. Ayoko silang madamay kaya ginagawa ko lahat ng to, kaya binago ko ang ako. Dahil ayokong dumating yung araw na may masasaktan ng dahil sakin. Kung alam lang nila na mas triple ang sakit ng naiiwan kesa sa nangiiwan.

Code Name: SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon