Chapter 14 : Shoot me

4K 148 14
                                    

Alexa's POV

"Kailan po ako makakalabas?" Pagtatanong ko agad sa doktor. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Hindi pwedeng iasa ko nalang kila Mia ang mga gawain na ako dapat ang gumagawa. Besides he said that I'm perfectly fine at kailangan nalang pagalingin ang sugat ko sa likod.

"Baby, just take it easy." Tinignan ko ng masama si Liam and gave him a look like saying one-more-word-i'll-kill-you. Gusto ko ng lumabas bukas.

"Pwede ka nang lumabas sa thursday." I shook my head. 2 days pa. Hindi naman gagaling tong stitches ko sa likod kahit mag-thursday pa. Magsasalita na sana ako ng bigla niya akong naunahan.

"Okay Doc. Thank you." Ano bang problema nitong si Liam?

"Intindihin mo naman ang kalagayan mo." Agad niyang sinabi nang makalabas ang doctor. Nakakainis. Bakit nya pinapangunahan ang desiyson ko?

Hindi na ako sumagot, ayokong makipagtalo. Madami akong dapat isipin at hindi kasama ang pakikipagtalo ko sa sakanya sa schedule ko.

Long silence between us. I don't mind him, I am busy doing plans in my head. How I wish Mia gather some information that we need, if she's not I will personally aske---

"Alexa I want to help." Napatigil ako sa pagiisip at mabilis pa sa ala singko akong napatingin sa kanya.

"What do you mean?" Sana mali ang iniisip ko.

"Turuan mo ko ng mga dapat kong gawin."

"Follow my rules that's it." Sapat na 'yon na sundin niya ko, wala na siyang ibang dapat gawin.

"Hindi yan. Ang ibig kong sabihin hayaan mong tulungan kita kapag kapag may nangyaring iba. Gaya ng kahapon." Sabi na. Eto ang mahirap, masyadong tine-take advantage ang pagoopen ko sa kanya.

"No. Its not your job."

"Listen Al--" pinutol ko ang sinabi niya. Hindi pwede ang iniisip niya. Masyadong komplikado ito at.. I don't think he can help me. And No. That's my final answer.

"My answer is no Liam, don't push it."

"Bakit dahil tingin nyo hindi ko kaya?" I try to be nice to him and yet she started with me again. 'Ano bang gusto mong patunayan?' I relax myself because any moment he will hit my patience again. I gasp some air and release it slowly, how I wish after this he will stop.

"Oo tama ka pero hindi ito gaya ng inisip mo, hindi ito basta sumipa ka lang, pinaputukan mo ng baril at tumalon sa building dahil hindi magaaksaya ang oras ang CIA para lang sa mga simpleng bagay na katulad ng ganun." I explained.

"Then teach me how." Boiling point reached.

"Ano kaya mong gawin?" Seryosong tanong ko.

"I know how to defend myself not as much as mom can do, I now how to use gun..."

"Take this." At nilahad ko ang baril ko sa kanya at kinuha naman niya iyon ng may pagtataka. "Shoot me." Seryoso kong sinabi.

"What?"

"Shoot me, if you do I allow you to help me." Tinignan ko siya sa mata at gaya ng inaasahan ko hindi niya kaya. "Isipin mo na ako ang dahilan ng pagkamatay ng mommy mo. Na kasalanan ko."

"Why did you do this?" Alam ko na iyan ang sasabihin niya.

"You want to help right? Then you know how to hurt." At pasimple kong kinuha ang isang baril ko.

"Kaya kong manakit pero hindi sa ganitong sitwasyon." Napangisi nalang ako sa sagot niya. Hindi niya alam ang sinasabi niya.

"Then hurt me. The way you want. Kahit nakaupo ako dito."

"You're insane."

"I'm not kid."

"I'm not a kid!" This is what you want?

"You are, thats why Im here. Too young to leave, too young to be alone." Pangaasar ko

"I'm not! I can prove it to you!" Nakita ko ang pagkaasar sa mukha niya.

"Then shoot me!" Pagsigaw ko. I know I'm playing below the line but this is what he want. I want him to realize na hindi magiging simple ang lahat, hindi kasing simple ng naiisip niya. Hindi siya gumalaw pero nakita ko kung paano niya hawakan ang baril ko. Masyadong madiin, masyadong mahigpit.

"This is the last time na magpapaliwanag ako at hindi ko na uulitin. Kung natatandaan mo pa ang mga sinabi ko ito ang pinupunto ko, lahat ng tao na nasa paligid mo kalaban mo. Family, friends, employee, office-mate and other people that you know, you can consider them as your enemy. And worst maybe one of them, is pointing a gun like this." At kinuha ko ang isang baril ko at itinuon ko iyon sa direksyon niya.

"That any moment he or she can pull the trigger without hesitation. So, can you hurt them?" Hindi ko na dapat pang i-elaborate ang mga sinabi ko. Alam kung nakuha niya ang gusto kong sabihin dahil sa larong ito hindi pasok ang pagtitiwala sa mga kakilala. Ito ang reyalidad ng sitwasyon at ayoko na makita pa niya iyon bago pa siya maghanda dahil baka pag dumating ang araw na 'yon naunahan na siya.

"Give me my gun now and let's drop this topic." Hindi siya gumalaw at tinitigan lang ako. 'You can't Liam'.

Dahan-dahan niyang inangat ang baril ko at tinutok iyon sa direksyon ko. Napangiti ako dahil bakas sa mga mata na niya ang pagsalungat sa ginagawa niya. Binaba ko ang baril ko at nilapag iyon sa lamesa.

"Make it fast." Saka ko siya tinignan ng matiim.

Hindi ako gumalaw at inilagay ko ang braso ko sa harap dibdib ko na parang hinihintay ang gagawin niya ng biglang magbukas ng pinto. Wrong timing.

"Sir ibaba mo yan." Kalmado niyang sinabi, tinignan ko siya ng masama dahil akmang bubunot na ito ng baril.

"Back-off Carl" at saka ko binalik ang tingin ko kay Liam.

"Alexa!" Hindi ko nilingon si Mia pero alam ko ang itsura niya ngayon. Pinagpatuloy ko lang ang pakikipagtitigan ko kay Liam, nakahanda naman ako sa gagawin niya dahil halos katabi ko lang din ang baril ko kung sakaling ituloy niya.

Alinlangan, takot, kaba ang nakikita ko sa kanya. Ilang minuto pa akong naghintay, at gaya ng inaasahan ko...

"Kung ganyan ka katagal, maunahan ka na ng kalaban mo." Bigla kong kinuha ang baril ko at pinaputukan siya sa balikat. This guy never failed me to hit my patience.

"Alexa!" Sigaw ni Mia sa akin. Dali-dali naman inalalayan ni Carl si Liam papuntang upuan. Tinignan ko lang ang ginagawa nila ng biglang magsalita si Liam.

"You're insane. I get it now." Kung iyon lang pala ang solusyon sana kanina ko pa sana ginawa. Tumayo ako at pinuntahan siya. Nakita ko kung paano bumagsak ang mga mata niya pero pilit niya itong inaangat. Dahan-dahan akong naglakad sa pwesto niya at nilapitan siya.

"Too much information can cause you stress so better if you take a rest. Sweet dreams Baby." Bulong ko at tuluyan ng nagsarado ang kanyang mga mata.

Code Name: SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon