Liam's POV
Hindi ko maiwasan na hindi tignan si Alexa, napakasimple lang ng itsura niya pero bagay na bagay sa kanya ang dress na suot niya.
Mahigit 15 minutes na kaming bumabyahe at nanatili parin siyang nakatingin sa bintana. Wala syang ginawa kung di pagmasdan ang labas. I hold her hand para tumingin siya sa akin at 'yun naman naman ang ginawa niya.
"Just relax. Everything will be alright." At ngitian siya. Ngumiti siya pero isang pilit na ngiti ang binigay niya sa akin.
"I am. When I'm not around make sure that you can take care of yourself." Kasabay noon ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko. Nginitian ko lang siya. Mukhang hahayaan na niya kong kumilos ngayon.
"Dapat ko bang katuwa yang sinasabi mo? Ibig bang sabihin pinapayagan mo na kong tumulong sa inyo?" Hindi siya nagsalita pero tingin ko ay oo ang kanyang sagot dahil ngumiti ito. That smile makes me smile too because this time she gave me a true smile.
"I will. Pero sana wag kang lalayo." Tinignan ko siya sa mga mata niya. "After your story, Aaminin ko natatakot ako." Oo natatakot ako, sinong hindi? Nasa sitwasyon kami na kahit anong oras pwede kaming mamatay.
Pero yung takot at kaba na naramdaman ko simula ng umupo ako dito sa saksakyan nawala lahat at sigurado ako na dahil yun sa kanya. Dahil kapag kasama ko siya alam ko safe ako. Alam ko hindi niya ako papabayaan.
Alexa's POV
Tinignan ko ang mga mata niya. May takot ang mata niya na nakatingin sa akin pero mabilis yun napalitan ng kakaibang tingin hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero mukhang panatag sya.
Ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya. Ang mga mata niyang nangungusap, ang matangos niyang ilong, ang minipis nyang labi, messy short hair and his perfect jaw line. We're not so closed to each other but why I have this weird feeling.
"Sir, nandito na po tayo." Bigla napabaling ang tingin ko sa labas. Hawak pa rin niya ang kamay ko, aalisin ko na sana iyon sa pagkakahawak niya ng bigla niya baguhin ang ayos nito. He intertwined our hands together.
Eto na naman ang puso ko, naguumpisa na naman syang timibok ng mabilis.
Hindi kaya may sakit na ko sa puso?
Liam's POV
Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, hindi ko alam kung bakit pero gusto kong hawak ang kamay niya.
Lumabas kami ng sasakyan na magkahawak kamay. Wala sa amin ang nagsalita. Ramdam ko ang tingin ng mga taong nakapaligid samin. Maybe after these I'm in the headlines again. Lahat ng nasa business industry nandito, specially yung mga anak at apo ng mga kilalang business tycoon. Kaya kahit na bawal ang media sa loob sure ako hindi palalagpasin ng mga paparazzi ang event na 'to.
Pumunta na kami sa registration at tumuloy sa loob. Unang bumungad sa akin ang isa sa mga inaasahan ko na makikita ko dito.
"Hi Liam! Bro kamusta!" Bati niya sa akin. Ngumiti siya kaya ganun din naman ang ginawa ko.
"Di mo ba ko papakilala sa maganda mong kasama?" Tinignan ko si Alexa na kampante ang mukha at saka ko binalik ang tingin ko sa lalaking nagpapakulo ng dugo. Ayoko talagang nakikita ang pagmumukha niya.
"Loyd this is Alexa, my GIRLFRIEND. Alexa this Loyd, Loyderver Montemayor"
"Loyd, Nice too meet you" Inabot ni Loyd ang kamay niya kay Alexa kaya ganun din ang ginawa ni Alexa sa kanya, at gaya ng inaasahan ko hinalikan niya ang kamay ni Alexa.
BINABASA MO ANG
Code Name: September
مغامرة"This is the last time na magpapaliwanag ako at hindi ko na uulitin. Kung natatandaan mo pa ang mga sinabi ko ito ang pinupunto ko, lahat ng tao na nasa paligid mo kalaban mo. Family, friends, employee, office-mate and other people that you know, yo...