Chapter 33: Lia Elaris

2.3K 66 7
                                    

Mia's POV

'Kinakabahan ako... parang merong mali.'

Hindi ko alam kung eto ba ang way niya para i-welcome si Ally o sadyang nagbago lang ang ihip ng hangin.

'Hindi ganyan ang Alexa na kilala ko.'

Kilala ko siya kung may kailangan siya sayo direct niya iyong sasabihin ng walang alinlangan, walang pasubali, walang pause at diretso lang.

Pero hindi, iba ngayon dahil pagkapasok namin ni Ally dito sa unit niya pinakain niya kami ng carbonara, nagkwentuhan ng konti pero hindi tungkol sa misyon ni Ally kung hindi sa mga kaibigan niya sa CIA.

'May mali talaga.' Iba talaga.

Malapit na matapos ang movie na pinapanood namin, Violet and Daisy ang mapagat pero sa totoo lang wala akong naiintindihan dahil busy ako sa pagbabasa ng mga kinikilos niya.

Pero wala akong mabasa. Wala akong makita. Wala akong makuha ni isa.

Nang matapos ang pinapanood namin ay nag-unat si Ally ng kamay, nakupo siya sa sahig habang yakap ang unan.

"Ang ganda, I love their tandem parang napaka natural. Parang true to life." Nakangiting kumento ni Ally kaya naman ngumiti din si Alexa sa sa kanya, kakaibang ngiti.

"That how friendship goes." kasabay noon ay pagbaling ng tingin niya sa akin. 

Mas lalo akong kinabahan.

Nagiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit parang hinuhusgahan niya ako sa mga tingin niya. Meron ba siyang alam?

'Hindi kaya alam na niya..'

"Ally I want you to look at this." Napalingon ako kay Alexa at nakita ko na may inaabot siya kay Ally na itim na sobre, sa laki nito masasabi mong isa siyang invitation. Kinuha naman iyon ni Ally ng walang pagaalinlangan at agad na binukasan, tama ako invitation nga.

"Galing sa mga Montemayor?" Kumunot noong tanong ni Ally.

"Yes. I just want to know kung may nasagap na ba kayong kahit anong impormasyon tungkol sa event na yan, sa mga Montemayor at sa RBO." Pagkasabi na niya ng RBO ay lumingon siya sa akin. Saglit lang pero malaman ang titig na iyon.

"Alexa I'm so sorry pero... Tumaas ang kilay niya pero hindi iyon napansin ni Ally dahil nakatingin siya sa akin na parang nanghihingi ng tulong. We got a memo that you're suspended and.." 

"Having a suspension means no access in all information."Pagtutuloy ni Alexa sa sinasabi ni Ally. "Actually that invitation is not mine, its for Liam and he's not close in any of Montemayor's. They treat each other as rivals in business industry. Kaya gusto kong malaman kung anong klaseng event yan, besides Mia is the who assign to take care of me and Carl to Liam. I think Mia's presence here is enough." Nagkatinginan kami ni Ally, at tumingin ulit kay Alexa. Alam ko na alam ni Ally ang gustong ipariting ni Alexa, hindi magiging against sa rules to dahil nandito ako. Pero hindi ako interesado sa magiging kwento niya tungkol sa RBO. Interesado ako sa invitation.

Hindi kay Liam ang invitation na yun, bakit pupunta ang invitation na yun sa kanya eh dalawang araw na siyang hindi nagpapakita sa amin, kay Liam? Lagi ko din nirereview ang mga cctv camera sa unit ni  Liam pero wala akong nakitang Alexa sa nakalipas na dalawang araw.

Ibig sabihin sa kanya dumiretso ang invitation.

Pinadalhan nila siya ng invitation.

Alam nila ang bahay ni Alexa.

Code Name: SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon