Chapter 22 : Auction (Part 3)

3.5K 114 8
                                    

Mia's POV

Para akong nabunutan ng tinik sa nangyari. Akala ko talaga mapupunta siya kay Max. Siguro naramdaman rin niya ang takot na naramdaman ni Alexa. I think that sweet, parang prinsipe lang ang dating ni Liam na niligtas si Alexa sa dragon na si Max.

And this guy beside me? Ewan ko sakanya ang bagal nya.

"Susundan ko lang sila."

"Tingin ko mas kailangan tayo dito." Mahinang bulong ko at sinundan ko ng pagtingin sa pwesto nila Max na ngayon ay may kausap na isang waiter.

Naririnig ko na kinokontak ni Gabby si Carl at ako? Nakatingin sa isa sa mga Montemayor. Si Lucifer. Bagay na bagay ang pangalan niya sa ugali nya. Mainit sa mga mata naming mga agent ang pamilya nila, lalo na ko. Isa siya sa tatlong hari ng Red Bloodhood Organization at isa sa pinagbibintangan ko na pumatay sa mga magulang ko.

"Walang signal hindi sumasagot si Carl" S*it

"Puntahan mo si Alexa, aalamin ko kung paano nawalan ng signal."

Mukhang hindi sa auction nagtatapos ang lahat..

Alexs's POV

"Ayos lang ako." Nanghihina nyang sinabi.

"Carl!"

"Carl!" Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Mia pero walang signal.

Tinignan ko ang orasan ko at kinakula ito, hindi ako pwedeng sumugal dapat madala ko siya sa hospital. Kukunin ko na sana ang braso ni Liam ng may maramdaman akong paparating. Umayos ako ng tayo at inihanda ang sarili ko para sa pagdating niya.

"Alexa."

"Gabby."

"Anong nangyari?" Pagtatanong niya ng makita niya si Liam na nanghihina.

"Kailangan natin syang madala sa hospital. Tingin ko nalason siya."

Hindi na nagtanong muli si Gabby agad nyang kinuha ang braso ni Liam na syang ding ginawa ko.

Dumaan kami sa kabilang side para hindi kami makaagaw ng atensyon sa iba. Naalala ko na may hawak na baso si Liam kanina marahil doon niya nakuha ang lason. Eto ba ang plano niya?

Nakarating kami sa elevator ng maayos. Muli kong sinulyapan si Liam, mas maputla na siya ngayon. Hindi maganda to.

Pagdating namin sa parking agad kami sinalubong ng security. Ayoko sanang pagkatiwalaan ang mga security na 'to pero hindi na ko nagalinlangan dahil kasama nila si Carla.

"Anong nangyari kay Sir?"

"Hindi maganda ang pakiramdam niya kaya dapat madala siya sa hospital." Tumango lang si Carla at tumawag ng sasakyan para kay Liam. Hind niya pwedeng malaman ang totoo.

Wala pang isang minuto ay dumating ang sasakyan at agad namin siyang pinasok sa loob.

"Susunod ako, samahan mo muna siya Michael." Tumango lang sa akin si Gabriel at agad itong pumasok sa loob.

"Alexa, ayos lang ba siya?" Pagtatanong ni Carla ng makaalis ang sasakyan. May halong pagalala ang boses niya kaya binigyan ko siya ng ngiting pagkakatiwalaan niya.

"Magiging maayos siya."'Dahil kung hindi, eto na ang unang beses na makakapatay ako.'

Mia's POV

"Ano bang nangyayari? Bakit walang signal? Alam nyo ba na hindi ako makatawag sa butler namin. Paano ako makakuwi nyan?"

"Mam pasensya na po nagkaproblema po ang system namin kaya po naapektuhan ang signal. Pasensya na po."

Code Name: SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon