Mia's POV
"Alexa!" Nandito kami sa unit ni Liam, kakalabas lang namin kanina galing hospital, mamayang 7pm na rin ang auction. I glanced at my watch and we have 6 hours to prepare.
Napagplanuhan na namin ang lahat ang dapat gawin at ang masaklap I need to stay here to monitor the place and that's so boring. Gusto kong sumama pero ayaw ni Alexa.
"Don't push it Mia, that's final." Nagumpisa na syang i-hack ang system ng paggaganapan ng event. Sh*t di ko na maiistorbo 'to.
Lumapit ako kay Gabby na naguumpisa ng ayusin at ihanda ang mga devices na gagamitin.
"Hey, Gabby I need your help. Convince Alexa na isama ako sa mamaya." Kapag di niya ko tinulungan sasabihin ko kay Alexa na may gusto sya sa kanya.
"I agree to her Mia, hindi ka pa magaling mamaya baka madagdagan yang tahi mo sa katawan." Pati ba naman sya?
"I can. Hindi ako disabled." Inis na bulong ko.
"Kahit ako, yun din ang magiging desisyon ko. Kaya wag ka ng makulit." Nakakainis. "And if you're thinking na i-blackmail ako huwag ka ng magaksaya ng oras." Paano niya nalaman yun?
"Sabi mo eh." I gave him a smirk. Let's try Gabby.
Dahan dahan kong lumapit kay Alexa at gaya ng iniisip ko sinundan lang niya ako ng tingin, akala niya siguro hindi ko kayang gawin. Umupo ako sa tabi niya kaya agad syang tumingin sakin ng masama.
"May sa-sabi-hin ako, may na-laman ako." Kahit nauutal inunahan ko na syang magsalita. Siguro napansin niya na kinakabahan ako. Bakit ba kasi ako kinakabahan eh hindi naman ang nararamdaman ko ang sasabihin ko sa kanya? Ang seryoso ng mukha niya.
"Ano yun?" Nagbago na ng konti ang mukha niya, nawala ang seryoso niyang mukha. Tama ba tong nakikita ko? Hindi siya seryoso? Mali walang seryoso sa mukha niya? Mali, kalmado siya? Tama?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya, bumalik nalang ako sa ulirat ng makita ko ang kilay niyang tumaas. Hindi ko na papakawalan to, minsan lang to mangyari sa katuhan ni Alexa. Huminga ako ng malalim at nagumpisang magsalita.
"Nalaman ko n----"
"Madaming body guards si Max sa event." Agad na singit ni Gabby. Agad napalingon si Alexa sa kanya kaya nagawa kong ngumiti. I got you boy. "I think we need Mia rather than Carl to help me. Our bomb detectors are not enough since we don't have time to check the whole place. It's Mia's expertise." Ganyan nga Gabby. Very good! Napakunot ang noo si Alexa sa sinabi niya.
"Okay." Maikli niyang sagot at mabilis na binalik ang tingin sa computer.
"Kasama na ko?" Masayang tanong ko.
"Yeah, prepare your yourself."
"Hindi naman ako invited." Pwede naman akong magpanggap na body guard nila. Hindi ako sinagot ni Alexa at nagtype nalang ulit siya. Tinignan ko si Gabby na pinanlakihan ako ng mata. Binigyan ko lang sya ng matamis kong ngiti and I murmured "thank you" na mas lalo niyang kinainis ng itsura niya.
Oh Yes! Kasama ako. Yes! I'm wearing a gown! Oh Yes!
"You're invited, Nalene Alvarez and Michael Rivera. Mas madaling magcheck kapag nasa loob." At hinarap niya ang sakin ang laptop niya. I saw the name Nalene on the guest list.
"I like my new name. Sige aalis na ko. Do you want me to get your dress?" Pagtatanong ko kay Alexa.
"No. I'm fine, just get yours." Kinuha ko ang purse ko at nagumpisa ng maglakad palabas. Kailangan ko pang magpagawa ng ID para mamaya. Excited na ko, ano kayang susuotin ni Gabby? Speaking of Gabby. I grab my phone in my purse and texted him.
To: Gabby
Hey thanks. Don't worry about your ID, ako na magpapagawa para sayo. See later you Michael Rivera.
Sigurado ako naiinis na 'to.
Liam's POV
Tinignan ko lang si Alexa at ang hawak niya. May hawak syang earing and necktie.
"This earring serve as earphone, you can hear Carl thru his channels and this neck tie will serve as your mic." Pagpapaliwanag niya.
"Alexa, pwede tayong hindi pumunta." Sinabi ko sa kanya na wag na kaming pumunta pero ininsist niya na kailangan naming pumunta. Gusto na ba nyang mamatay?
"Yun ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, kaya yun ang gagawin ko."
"Bakit mahuhuli nyo na ba siya?" Kahit alam ko ang sagot nagtanong parin ako. Gusto kong malaman ang gusto niyang mangyari. Dahil gaya ng sabi ni Daddy wala ng bisa ang kasong nakasampa sa kanya dahil lumipas na iyon ng ilang taon at hindi naman kami nakapagsampa ng kaso kay Max dahil wala kaming sapat na ebindensya kahit nabanggit ni mommy ang buong storya. Hindi sapat ang mga meron kami para mahuli si Max.
"Hindi pa sa ngayon. Tayo ang habol niya, mas malapit sa kanya, mas magiging madali ang lahat para magawa ang plano."
"Anong plano?"
"Ang mapatay sya o ang mahuli sya. Kahit ano sa dalawa pero mas magiging masaya ako kung ang una kong sinabi ang mangyayari." At lumabas na sya ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number nya.
"Carla, pakihanda ang security sa buong suites." Kinakabahan ako sa mangyayari. Hindi ko gusto ang tono ng salita niya.
Gabriel's POV
Wala naman talaga akong pake alam kung malaman niya na may gusto ako sa kanya. Hindi lang ito ang tamang panahon. Sasabihin ko din iyoon, at gusto ko sakin manggagaling.
Naset-up ko na lahat ng device na gagamitin at ang kailangan ko nalang gawin ay ayusin ang baril ko. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Simula ng nakuha namin ang pamilya ng apat, wala ng nangyaring kakaiba. Ang sabi ni Mia umalis sila sa hospital para sumunod sa amin, pero habang bumabyahe sila may sumusunod sa kanila at ganun din ang nangyari kila Carl.
Kung hindi nasabi sakin ni Alexa na may bomba nakatanim sa mga katawan nila at natuloy ang pagiimbestiga ng CIA malang sumabog na ang buong ahensya. Kung hindi nalaman lahat ni Alexa lahat ng nangyari malamang hindi sila aalis ng hospital.
Ang hindi ko maintindihan, kung sumabog ang CIA at hindi umalis sila Alexa ng hospital anong mangyayari sa kanila? Papatayin din sila? Pero kung sigurado si Max sa plano niya? Bakit pa niya kailangang umatend ng event na to? Anong intensyon niya para pasabugin ang CIA?
Hindi kaya isang pain lang din ang event na to? at ang nangyari ay paraan niya para mabaling atensyon namin sa iba?
"Bwisit!"
Alexa's POV
Sana tama ang kalkulasyon ko. Sana iyon nga ang gagawin niya. Ayoko ng pahabain ito. Gusto ng matapos lahat ng ito. Hindi ko alam kung sino pang idadamay nyang inosenteng tao at ayoko ng mangyari yun.
I looked myself in a full length mirror. I wear black cocktail dress and high heal black shoes with bow design. I hold my necklace and put mini microphone on it. Natatakot ako sa magiging outcome ng gagawin ko. Walang alam sila sa gagawin ko kaya sana magtagumpay ako.
Huminga ako ng malalim at muling kinumbinsi ang sarili ko sa plano ko. Tama, ito ang gagawin ko, tutal ito naman ang gusto niya.
Kakagatin ko ang pain na to, pero sisiguraduhin kong mauuna syang kagatin ang papain ko sa kanya. .
.
.
.
Si Liam.
BINABASA MO ANG
Code Name: September
Adventure"This is the last time na magpapaliwanag ako at hindi ko na uulitin. Kung natatandaan mo pa ang mga sinabi ko ito ang pinupunto ko, lahat ng tao na nasa paligid mo kalaban mo. Family, friends, employee, office-mate and other people that you know, yo...