Chapter 16 : Human Bomb

4K 135 12
                                    

Alexa's POV

The silence started to embrace the whole room. Thinking and process all the information that we've got.

Tinignan ko ulit ang information ng apat na lalaki. Tanging si Alexander Martini lang ang nakikilala ko dahil siya lang ang taong nakaharap ko na walang maskara. Manager siya ng venture company at masasabi ko na maayos talaga ang pamumuhay niya, ganun din naman ang tatlo.

Kung iisipin pala, maaring nagamit lang sila o napilitan, ang nakakapagpagulo lang ng sitwasyon ay meron silang pera na si Zach ang nagdeposit na inutos ni Liam.

Hindi kaya---

"Gabby texted me, nakalabas na ng hospital ang tatlo." Pagbabasag ni Mia ng katahimikan.

"Bakit ngayon lang sila nakalabas? Ang tagal naman ata. Nabaliaan lang ng leeg at nabaril sa binti inabot ng buong araw?" Tama si Carl. Kung nasa CIA sila, sapat na ang 5 oras para gamutin sila. Besides pigil ang pagpilipit na ginawa namin ni Athony sa mga leeg nila at naniniwala ako ng hindi namin sila napuruhan. Nakakasigurado din ako na wala akong natamaan na kahit ano sa mga buto niya sa binti dahil daplis lang iyon.

"Hindi ko alam. Tanong ko, wait lang." At saka siya nagtype sa cellphone niya.

"Nasan na daw sila?" Pagtatanong ko.

"Papunta daw sila ng CIA kasama yung isa."

"Mia, san mo nakuha ang information na 'to?"

"Sa CIA." Bigla akong kinutuban sa mangyayari. Hindi naman siguro. "Sabi ni Gabby, kaya daw natagalan kasi inoperahan pa daw sa appendicitis yung tatlo namimilipit daw sa sakit kaya sinabay na din." Dagdag pa niya.

Nakuha ko na.

"Mia, pakitawagan naman si Officer gusto ko syang makausap." Hindi ko na hinintay na sumagot si Mia at dali-dali kong inalis ang dextrose sa kamay ko.

"Anong ginagawa mo Alexa! Al---" pinutol ko ang sinasabi ni Mia.

"Tawagan mo na!" Sigaw ko sa kanya. Wala na kong time para magpaliwanag. Kahit na masakit ang likod ko pinilit kong bilisan ang kilos at naghanap ng damit na pwedeng masuot. Sana hindi dress ang kinuha ni Mia sa unit ko.

"Alexa, hindi sinasagot." Shit

"Sa CIA tumawag ka! Magmadali ka! Carl, tawagan mo si Gabby ngayon na." Damn. Bakit ngayon ko lang nakuha.

"Ano bang nangyayari?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Carl instead I gave him my best death glare. He don't know how to shut his f*cking mouth when it needed.

Sana pala nagbilin ako na hindi dress ang kuhain niya. I don't have no choice but to wear this. Kinuha ko ang damit at pumasok sa banyo.

Pagkalabas ko kausap na ni Carl si Gabby.

"Eto na si Alexa kakausapin ka daw." Agad kong kinuha ang phone kay Carl. Sana posible pa.

"Gabby na saan kayo? Sinong agent ang kasama mo?" Pagbungad ko.

[Kamusta kana? Ayos kana ba?]

"Okay na ko, nasan kayo? Sinong kasama mong agent?" Paguulit ko.

[Si Kent, malapit na kami sa CIA.] Shit!

"Gusto kong makausap si Alexander. Siya yung lalaking hindi nasaktan." Hindi na nagtanong si Gabby at tingin ko binigay na niya ito sa taong gusto kong makausap.

"May nakakabit bang tracking device sayo o sainyo?" Alam ko napilitan lang silang gawin to at naniniwala ako na makikicooperate sila sa gusto ko. Sana.

Code Name: SeptemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon