Chapter 24

130 2 0
                                    

Chapter 24

Panyo

Nasa sala ako at nanood nang tv nang biglang nag ring ang telepono sa tabi ko agad sanang lalapit ang isang katulong doon ngunit sinenyasan ko na ako  na lang ang sasagot.


"Hello ? " wika ko nang dinampot ko ang telepono sa ikatlong ring nito.


"Hello? Where is Mama? " sabi nang kabilang linya. It's my Mom! 


"Mommy, Si Mikaella ito wala si lola." sagot ko sa kanya at hindi naman agad ito nag salita sa kabilang linya.


May narinig akong yapak nang takong nang sapatos mukhang naglalakad ito.


"Where is your lola?" malamig na tanong nito sa totoo nga ay mas malambing ang tono nang boses nito nang hindi niya ako nabosesan sa kanina.


Mayroong kumirot sa aking puso at nilunok ko ang mapait na aking nalasahan sa kanyang pagtrato sa akin. I felt like crying right now.


"W-wala siya, mommy. Pumunta nang simbahan dahil may activities atta sila ngayon ng mga ka church org. niya." hindi ko maitago ang pangingig nang aking boses dahil sa emosyon na pinipigilang kong lumabas.


"Oh! Ok, I'll call later when she get back.Bye! " sabi nito at at mukhang ibaba na nito ang tawag.


"Mom! " pigil ko sa kanya.


Narinig ko ang pagsinghap nito nang malalim at yapak nanaman nang sapatos nito.Hindi ko alam kung bakit siya lakad nang lakad.


"What, Mikaella? I'm very busy right now. Your dad is in a meeting din and I need to run some errands!" nagmamadaling wika niya.


"Ok, mom. I miss you and I love you both ni Daddy. " sabi ko sa kanya.


"Ok! I'll hang-up now. Don't do things that can make a headache to your- "


Hindi natuloy ang sasabihin nito dahil may sumigaw na babae malapit sa kanya.


"Mommy! " rinig kong sigaw nang babae.


 "Bye! "bulong ni mommy sa telepono.


"Wai- ! " sigaw ko ngunit ang beep na lang nang telepono ang narinig ko binabaan na niya ako nang tawag.


Nangi-nginig ang aking kamay habang binabalik ko ang teleponong hawak ko at halos hindi ko ito maayos dahil sa panginginig nito ng sobra hindi ko na rin napigilan pa ang luhang nag babadya pa kanina.


"SHIT! " sigaw ko nang hindi ko iyong maayos na ilapag kaya ang nagawa ko na lang ay ibinato ko ang telopong hawak ko dahil sa matinding emosyon na pinigilan ko kanina.


"Maam! bakit po? " agad na may lumapit na katulong sa akin at agad din na pinulot ang tinapon kong telepono.

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon