Chapter 4 OFFICE OF THE PRESIDENT

216 5 0
                                    

Chapter 4

Malapit na ang pasukan ngunit hindi pa rin tumatawag sila Mommy at Daddy sa akin kahit ilan ulit ko silang tinawagan ay hindi nila sinasagot iyon.Napabuntong hininga lang ako habang naka higa sa kama ko ayokong lumabas dahil mainit ang sikat nang araw at mahapdi iyon sa balat ko.

“Sino yan?” Napalundag ako sa higaan ko nang may kumatok sa pintuan nang kwarto ko.

“Mikaela, apo gusto ka raw makausap nang mommy mo.” Boses ni Lola Linda iyon.

Si Mommy? Hindi kaya.  

Dali dali kong binuksan ang pintuan ko at halos sunggabin ko si Lola na may hawak na wireless phone.Kahit na kinakabahan ako sa sasabihin ni Mommy gusto ko pa rin malaman kung pababalikin na niya ako sa Manila kahit na ano ang ipagawa nito dahil parang pag nagtagal pa ako dito sa Bayan nang Aganon ay hindi na ako makakaalis pa kahit kailan.

“H-hello Mommy.” Nanginig agad ang kamay nang mahawakan ko ang telepono.

“IVORY.” Malamig na utas nito at napalunok ako dahil sa kaba.

“Mom, please. I want to go back. Please Mommy.” Naiiyak na pakiusap ko sa kanya.

“Your Father got your transcript of record to your former school and we will send it today. You can enroll next week maybe.” Malamig na sabi nito at halos wala na akong maramdaman na emosyon galing sa kanya.

Gumuho ang mundo ko sa sinabi niya tinapon na talaga nila ako sa liblib na probinsyang ito.Nawalan ako nang lakas na tumayo pa nanginginig ang buong katawan ko.How could they do this to me? Hindi na ba nila ako kayang patawarin sa kasalanan ko?.

“THIS IS INSANE! YOU CAN NOT DO THIS TO ME!” gigil na sigaw ko sa teleponong hawak ko.

“MIKAELA! “ Sigaw ni Lola ngunit hindi ko siya pinansin.

“DON’T SHOUT AT ME, IVORY! WAG KANG BASTOS! THIS IS YOUR PUNISHMENT SA MGA GINAWA MO! SA MGA PAG SAWAY MO SA AMIN NANG DADDY MO AND BECAUSE OF YOUR STUBBORNNESS YOU NEARLY DIED! WALANG MAGAGAWANG MABUTI ANG MGA BARKADA MO SAYO! STAY AWAY FROM THEM! YOU STAY THERE UNTIL WE SAY SO!” Sigaw nito pabalik sa akin at binabaan na ako nang telepono.

Sobrang sakit nang dibdib ko dahil sa sama nang loob sa parents ko. Inamin ko naman ang mga kasalan ko sa kanila pero ang hirap nilang tanggapin ang Sorry ko.Bato na yata ang mga puso nila.

“I can’t believe this!” sigaw ko at binato ko ang teleponong hawak ko at tinabig ang mga vace na naka display sa gilid nang pintuan ko.

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon