Chapter 1

488 7 0
                                    

Chapter 1

WELCOME TO AGANON

Halos ihambalos ko ang bagpack na dala dala ko dahil sa inis  kanina pa Kasi ako dito sa bus station nang Aganon probinsya nang lola Linda ko on my mother's side. Inip na inip na ako sa kakaantay nang sundo ko halos mamatay na rin ang cellphone ko dahil kanina ko pa ito gamit sa pag fafacebook,twitter at instagram pati rin ang ipod ko malapit na rin malowbat dahil kanina ko pa ito gamit sa pag mumusic ko at masakit na rin ang likod at pwet ko dahil sa 8 hours na pagkakaupo sa loob nang bus.Kahit nang makita ko sa bungad ang malaking arko nang "WELCOME TO AGANON" ay hindi ako na excite.

"shit! kainis na ha! kanina pa ako dito wala pa yung sundo ko! tang ina! " gigil na sabi ko habang nakatuon ang pansin ko sa kalsadang wala namang masyadong dumadaan kung meron man ay mga nagbebenta nang balot atta iyon or something.

Nabuhayan ko nang pag asa nang mamataan ko ang paparating na fontier kaya tumayo ako sa pakakaupo ko sa may maleta ko at pumunta sa gilid nang daanan para makita agad ako nang driver nang malapit na ito ay pumagitna pa ako konti para pag huminto na ito ay sesermunan ko ang driver dahil pinag antay niya ako nang matagal pero bigla itong bumusina nang malakas dahilan upang mapaatras ako at napaupo sa lupa.

"fuck! Tang ina mo sana mabangga kang Hayop ka! " halos lumabas lahat nang ugat ko sa leeg dahil sa sigaw ko.

Bwisit na Driver na iyon kaskasero tang ina niya! Tinignan ko ang plate number niya at itinype sa cp ko tsaka sinave. Hayop na taong yun! susunugin ko talaga yung sasakyan niya na may plate number na GEP567.

Tumayo na ako sa pagkakasalampak ko sa lupa at habang nagpapagpag ako sa may pwetan ko ay saktong may bumusina sa likuran ko.

"Mikaela! I miss you apoo!" sabay yakap nang matanda sa akin at buti na lang ay hindi ko ito naitulak dahil ang lola linda ko pala iyon.

"Bakit ba ang tagal niyo!?" iratable kong tanong sa kanya.

Nag pout naman ito at napakamot nang ulo.Medyo na guilty naman agad ako sa inasal ko sa kanya.

"la, pagod po ako. Sana naman binilisan niyo pag sundo sa akin." malumanay ko nang sabi sa kanya.

"Ehh. Sorry na apo, kase naman andami pa namin ginawa doon sa farm. Tara na nga at nang makapag pahinga ka at dumidilim na rin." yakag nito sa akin.

Halos mapanganga ako nang makita ko ang sasakyan na ginamit nito.

"Lola, what the hell is this car!?" hindi ako makapaniwala na ang pinang sundo nila sa akin ay isang lumang pick up  na ginagamit nila sa pagbubuhat atta nang gulay.

Tumawa lang ang lola ko sa akin at inaya na akong sumakay. Unang tapak ko palang dito ay nakaramdam agad ako nang inis. I really Hate this place!

Habang bumabyahe kami papunta sa hacienda nang lola ko ay walang nag sasalita sa amin pero ramdam ko naman ang titig nang lola ko kaya napapalingon ako sa kanya para itong isang baliw na sobrang lapad nang ngiti nito.

"Will you stop looking at me like that, lola?" tanong ko sa kanya.

"Why? namiss lang naman kasi kita apo, alam mo na halos 3 years din tayong hindi nagkita." sabi nito sa akin.

"Whatever." sagot ko sa kanya at tinutok ang aking mata sa daan kahit na madilim at puro kahoy lang ang nakikita ko at mangilan ngilan na bahay.

"This is so very isolated place." bulong ko sa sarili ko.

Pumikit na lang ako para hindi na ako mainis pa lalo sa nakikita ko.Ewan ko kung ilang minuto pa ako nakatulog dahil na gising na lang ako sa isang marahang tapik sa aking balikat.

"Where here na." bulong ni lola sa akin bago ito lumabas sa pick up.

Lumabas na rin ako at binuhat ang aking bag pack daladala naman nang driver yung maleta ko at iilan pang gamit. Tinutok ko ang aking mata sa isang malaking lumang bahay at mukhang na memaintena ito nang maayos halos wala pa itong renovation magaganda talaga ang nag lalakihan kapis na bintana nang bahay ni lola at tsaka malawak din ang balkunahe nito na pwedeng tambayan.It looks creepy thou.

"Mika tara na sa loob, hindi magandang mag tagal tayo sa labas." aya ni lola sa akin at pumasok na ito sa main door nang mansyon.

Sumunod na rin ako at nabungaran ko ang tatlong katulong ni lola. Pawang naka ngiti ang mga ito pero wala ako sa mood para suklian pa sila nang ngiti. I badly need to rest dahil masakit na ang likod ko pati pwet!

"Where is my room?" tanong ko kay lola 

"You need to eat first." sagot naman nito.

"No, gusto ko nang mag pahinga lola. Pagod na Pagod ako sa byahe." tanggi ko sa kanya.

Tumango naman ito sa akin bago binigay ang dereksyon kung saan ang magiging kwarto ko. Pumanhik na ako sa taas at kasunod nag mga katulong na buhat buhat ang mga gamit ko. May pitong kwarto sa taas nang mansyon lahat nang iyon ay may mga sariling banyo. Huminto ako sa tapat nang ikatlong kwarto at doon pumasok good thing may balkunahe rin ito pero hindi masyadong mabubungaran nang sikat nang araw pag umaga na.

"Just put my things in there.Thank you." sabi ko sa mga katulong at nagsilabasan na rin ang mga ito.

Humiga na ako sa kama at pumikit pero mukha nang mga barkada ko ang aking nakikita kung anong itsura nila nung maaksidente kami. Mariin pa akong pumikit  at napahawak ako sa aking sintido dahil biglang sumakit ang ulo ko  maybe this is what I really need now a divertion.

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon