Chapter 21

132 2 0
                                    

Chapter 21

Picture

Umaga nang lunes pagpasok ko pa lang sa main gate ay kapansin-pansin ang bulungan nang mga tao habang naglalakad ako papasok sa aking unang klase.May nadaan pa akong grupo nang mga babae na iba ang tingin nila sa akin at ang isa ay nahuli ko pang tinuturo ako habang may binubulong sa katabi nito.

Hindi ko alam kung ano ang nang-yayari dahil ngayon lang ako nakakuha nang ganitong atensyon sa mga tao hindi naman ganito sa nakaraang apat na buwan na pag-aaral ko dito sa Aganon.

What the hell is wrong with them?

"Siya ba iyon?"

"Ay! Hindi naman kagandahan!"

"Hindi naman taga dito yan eh."

"Oo nga, sabi nang lola ko pinatapon daw yan dito galing manila kasi masama daw ugali."

"Talaga!? Grabe naman yan."

Nakakairita ang mga bulungan nila at simpleng pag-turo nila sa akin na agad nilang ibinababa pag-nakita nilang lilingon ako sa kanila.I want to scream at them and slap them all pero imbes na mageskandalo ako ay binilisan ko na lang ang lakad ko papunta sa classroom ko.

"Ow.She's here! " bungad ni Agelo sa akin nang makapasok ako sa loob nang classroom namin.

Napalingon agad ang mga kaklase ko dahil sa malakas na boses ni Angelo at nakaramdam naman agad ako nang pag-kailang sa ginawa niya.Simula noong nakilala ko siya ay hindi mapalagay ang loob ko sa kanya hindi tulad sa mga ibang kaibigan ni Gio ay si Angelo lang ang hindi ko pa nakakasundo sa dahil na rin siguro sa mga pasaring niya na hindi ko naman naiintindihan.

"Did you see the Bulletin Board, Mikaella?" tanong nito habang pinapanood niya akong inilalapag ko ang bag ko sa isang arm-chair.

Hindi ko na sana siya papansinin pero ang mga mata nang tao doon sa loob ay nakatutok sa akin at nakaramdam ako nang pamimigat sa aking dib-dib.

"Bakit, Ano ba meron?" hindi ko napigilan na itanong sa kanya at nilamkapan ko pa nang mahinang tawa para sana ay gumaan ang atmospera sa loob.

Ngumisi siya sa akin at ngumiti siya nang nakakaloko na nilamkapan din niya nang tawa habang umiiling ito na hindi makapaniwala sa tanong ko sa akin.

"I don't expect that your so naïve. This picture. " Ngisi nito habang iniwawaga-wayway nito sa aking harap ang litrato.

Halos malalag ang panga  ko nang makita ko kung ano iyon picture namin ni Gio na naghahalikan na nakasandal ako sa itim nitong sasakyan habang hawak nito ang aking isang kamay na nakataas sa aking ulo at ang isa naman ay naka suporta sa aking batok.

"In the broad day light, Mikaella? Pero mukhang sanay ka naman kasi galing ka sa-"

Hindi na natuloy ang sasabihin nito nang biglang kumalabog ang pintuan nang classroom namin at sabay kaming lahat na napalingon sa likuran ko. Gio was there standing with his devilish eyes, mukha itong papatay nang tao habang papalapit ito sa kinaroroonan ko ay hinihagis niya ang mga upuan na nakaharang sa kanya at ang lahat nang iyon ay nasisira.

Halos mapapikit ako nang maikita kong susugod ito sa aking dereksyon at sabay nang pag-pikit ko nang aking mga mata dahil sa takot ay mga tili nang mga babae kong kaklase.

"Awatin niyo si Gio! " tili nila.

Agad akong nagmulat nang aking mata nang wala akong maramdamang masakit pero paglingon ko sa aking gilid ay nakahandusay na sa sahig si Angelo.

"Gio! Tama na! Mapapatay mo siya!" awat ni Josiah sa kanya nang akmang susugudin ulit ito ni Gio si Angelo.Nahawakan ni Josiah ang mga kamay ni Gio pero nagawa parin nitong sipain sa sikmura si Angelo kaya umubo ito nang malakas.

"Shit! Gio! Tama na! " sigaw ni Joseff at bahagyang itinulak si Gio para makalayo ito kay Angelo.

Agad na lumapit si Dale kay Angelo habang tinutulungan itong makatayo dahil sa pagkakahiga nito.May dugo sa gilid nang labi nito at sa may kilay nito.

"FUCK YOU GIO!" sigaw ni Angelo at bahagya pa itong tumawa pero ininda naman agad ang sakit sa may tiyan nito.

"Angelo! Ano ba!? " sigaw ni Gabriel at pumagitna sa dalawa.

"Anong problema niyo!?" sigaw na tanong ni Josiah sa kanila at mukhang inis na inis din ito sa mga pangyayare.


Walang nag-salita sa dalawa kahit na si Gio ay hindi nag-salita.Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang lumingon siya sa akin at agad nitong hinawakan ang aking braso papalabas nang classroom narinig ko silang sinisigaw ang pangalan ni Gio pero hindi ito lumilingon kaya agad silang sumunod sa amin.

Nadaan namin ang Bulletin Board na sinasabi ni Angelo sa akin at halos mapa-iyak ko nang makita ko ang mga picture namin doon ni Gio na naghahalikan.Puno nang tao sa harap nang bulletin board at naramdaman ko na lalong humigpit ang pagkakahawak nang kamay ni Gio sa akin.

"REMOVE THIS INSTANCE!" sigaw ni Gio at agad na may nagsilabasan sa kung saan ang ilang mga lalaking nakauniporme nang light blue at naka slacks sila mukha silang body guards.

Agad nilang hinawi ang maraming tao at pinaalis nila ang mga ito at isa-isa nilang tinanggal ang mga picture doon.Napansin ko rin ang paglapit nila Josiah sa amin at iisa lang ang naging reaksyon nila halos malaglag din ang mga panga nila habang nakatingin sa mga larawan.

"Gio." Tawag ni Josiah kay Gio pero imbes na lumingon ay hindi nito pinansin ang kaibigan.

Hinila nanaman niya ako paalis sa kinatatayuan namin at hindi man lang nilingon ang mga kaibigan nito.

"Gio! Pag-usapan natin ito! Were brothers here! " sigaw pa rin ni Josiah.

Tumigil si Gio sa paglalakad at agad na nilingon ang mga kaibigan nito.Gusto ko rin na pag-usapan nilang mag-kakaibigan ito, Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit sila mag-aaway away ngayon kung may kinalaman man si Angelo sa pangyayaring ito ay hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kanya.

"Brothers? Dapat naisip yan ni Angelo bago siya gumawa nang ganitong eksena na ayaw ko!" Halos mayanig ang hallway dahil sa malakas na sigaw ni Gio.

Hindi sila nakapag-salita sa tanong ni Gio kaya hinila niya agad ako papalabas nang skwelahan at agad niya akong pinasakay sa kotse niyang gamit pag-pasok niya sa dito.Inantay ko siyang makapasok sa loob at umupo sa driver seat at halos mapatalon ako nang hampasin niya nang malakas ang manibela nang sasakyan niya.

I can read guiltiness and pain written all over his face mukhang hindi rin niya nagustuhan na nag-aaway away silang magkakaibigan at nasaktan din nito si Angelo.

"Are you ok?" baling natanong nito sa akin at bahagya pang hinaplos nito ang aking pisngi.

Nakipag-sukatan ito nang tingin sa akin at ang nababasa ko lang sa kanyang mga mata nito ngayon ay pag-aalala at sakit.

"Y-yeah." Sagot ko sa kanya at bahagyang ngumuti sa kanya para maniwala siya sa akin.

Bumuntong hininga ito at bahagyang ginulo ang buhok niya.Hindi ako makapaniwala na sa ganitong sitwasyon ay nakuhan ko pang maakit sa magulo nitong buhok at namumulang labi nito lalo na pag kinakagat niya nang bahagya dahil sa galit.

3

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon