Chapter 3 War

196 3 0
                                    

Chapter 3


Halos dama ko pa rin ang inis ko sa lalaking iyon simula pa kahapon kahit kakagising ko lang ngayon ay naiinis pa rin ako sa mayabang na iyon at kung hindi lang ako um-Oo sa paanyaya ni Liza kahapon na sasama ako sa paliligo nila sa Kabigan falls daw ay hindi ako lalabas nang bahay.




"Mikaela, Mag-ingat ka doon ha." Bilin ni Lola sa akin habang papalabas ako nang bahay dahil nagtext sina Liza na nasa harap na sila at inaantay ako.




"Opo, Lola" sagot ko sa kanya at humalik sa pisngi nito at nagpaalam na.




Napangisi ako nang nakatanggap pa ako nang miscall galing sa kanila akala ko ay walang signal sa lugar na ito dahil sa sobrang liblib nang bayan nang Aganon ang dami pang bilin sa akin ni Lola bago ako lumabas nang bahay, kesyo daw dapat magtabi-tabi po ako para hindi ma nuno para naman nag eexist pa ang mga iyon ngayon at lahat nang tao ay gumagamit na nang technology.




Natanawan ko sila sa may gate namin at may kanya kanya silang backpack at pawing naka shorts na ang mga ito ngunit hanggang taas lamang nang kanilang tuhod.tsk.Probinsyannag probinsyana at ako naman ay hanggang kalahati na nang hita ko at tatterd pa ang shorts ko at naka sleeveless pa ako na itim na may flag nang Korea.



"Ganyan na ba ang suot mo?" tanong ni Claudine sa akin habang pinapasadahan ako nang tingin.



"Oo, eto naman damit ko sa Manila pag gagala kami buti nga hindi ako naka swim suit lang papapuntang Falls." Nakangisi kong sagot ko sa kanya.




"Oo nga naman! Tara na nga medyo malayo pa yung lalakarin natin at baka maabutan tayo nang tanghali doon hindi tayo makakapag enjoy." Higit ni Liza kay Claudine at nag sitanguan naman ang iba.




Nagsimula na kaming mag lakad at ang iba naman ay nag simula na kumuha nang picture dahil ipopost daw nila sa Facebook nila itong outing namin.May internet connection din pala dito ang akala ko ay wala hindi ko pala dapat minaliit ang bayan na ito dahil kung nagkataon ay may nasabi na akong hindi maganda sa kanilang magkakaibigan.




"Are we there, yet?" tanong ko sa kanila dahil medyo masakit ang paa ko sa paglalakad at pag akyat nang ilang maliit na burol doon kung sanay alam ko na ganito kahaba ang lalakarin naming ay hindi na sana ako sumama sa kanila.


Feeling ko nga ay isang oras na kaming nag lalakad pero hindi ko pa nakikita yang Kabigan Falls na yan.




"Malapit na tayo." Sagot ni Claire sa akin sabay ayos sa strap nang bag nito na bahagyang bumaba sa balikat niya.

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon