Chapter 22

122 1 0
                                    

Chapter 22

Far away

Nasa loob pa rin kami nang sasakyan ni Gio na nakayuko pa rin sa harap nang manibela nang sasakyan niya at habang ako naman ay nakati-tig lang sa kanya.Pakiramdam ko ay kasalan ko ang nang-yayari sa kanila ngayon hindi naman sila nag-aaway ayaw kung hindi dahil sa akin ayaw ako ni Angelo sa hindi ko alam na dahilan.


"Gio, Kailangan na natin pumasok." Wika ko sa kanya hindi ko alam kung hahawakan ko siya.


Halos mapatalon ako sa pwesto ko nang binaling nito ang mukha nito sa akin habang nakasandal parin ang kanyang ulo sa manibela at kapansin-pansin ang pag-pula nang mga mata nito.


"Did you cry?" tanong ko sa kanya.


"Nope." Sagot nito at padarag na sumandal sa upuan nang kotse nito.


Napatitig nanaman ako sa kanya at gulong-gulo na ang buhok nito at medyo nagusot ang suot nitong t-shirt na puti na may tatak na isang sikat na brand na damit pang lalaki.Halos mapakagat din ako sa aking labi habang pinapanood ko siyang kinakagat nito ang kanyang ibabang labi dahil sa inis at lalong pumupula ang mga iyon.


"Why?" tanong nito bigla na ikinabigla ko at ibinalik ko ang aking titig sa kanyang mga mata.


"Mikapag-usap ka kaya muna sa mga kaibigan mo kesa yung nanungtok ka na lang diyan." Wika ko sa kanya.


Pumula ang pisngi nito at ibinaling ang tingin sa ibang dereksyon.Nahiya ba siya?


"Bakit ba kasi galit na galit ka?" tanong ko sa kanya at bahagyang lumapit dito.


Lumayo naman ito at isiniksik ang katawan sa may pintuan nang kotse nito.Ang laking tao pero sinisiksik nito ang katawan niya doon.


"Kinahihiya mo bang hinalikan mo ako kaya nagalit ka nang ganyan?" tanong ko pa sa kanya.


Halos matumba ako at muntikan nang tumama ang mukha ko sa dashboard nang sasakyan nito nang bigla siyang lumingon sa akin at hinawakan ako sa aking balikat.


"Anong sabi mo?" tanong niya sa akin at sobrang salubong ang kilay nito.


Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makapag-salita ngayong nakaharap siya sa akin at ang lapit nang mukha nito sa mukha ko ang mga labi niya masyadong malapit sa aking labi and I can even smell his fresh mint breath.


"Hindi kita kinakahiya na hinalikan kita, your lips is the greatest I tastes in my entire life. Oo, galit ako pero hindi sayo kundi sa mga taong nakakita kung paano ang reaksyon mo habang hinahalikan kita, ako lang dapat ang nakaka-kita ng mga bagay na gusto kong akin lang."


Nanginig ang aking tuhod dahil sa sinabi niya at kumakalabog nang husto ang puso ko habang tinitigan niya ako gamit nang kanyang kulay brown na mata nito na may naghahalong dilaw habang nasisinagan nang araw at ang kanyang pilik mata na mahahaba at halos mapa-kagat ako nang sarili kong labi nang makita ko kung gaano ka pula ang mga labi ni Gio.

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon