Chapter 8

146 7 1
                                    

Chapter 8

Herrera

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako nang maong na shorts at maluwang na white v-neck shirt at lumabas na ako nang kwarto para magpahangin ulit sa baba nadaan ko pa sa salas ang ilang katulong ni lola na nag aayos doon iniba nanaman nila ang mga kurtina at mga punda nang throw pillows sa sofa namin.Napansin ko na pag may okasyon talaga dito sa Aganon ay palagi na lang nagpapalit nang kurtina at throw pillows ang mga katulong namin.

"What to do?" tanong ko sa sarili ko habang nakaupo ulit ako sa may duyan.

Inilabas ko ulit ang phone ko at nag log-in nanaman sa Instagram pero wala naman akong nakitang pwedeng pagkainteresan doon hindi katulad kaninang umaga.

"Lalabas na lang ako! "

Tumayo ako doon at lumabas na lang nang bakuran namin at naglakad lakad sa kalsada hindi naman delikado dito sa probinsya kaya komportable akong maglakad-lakad mag-isa at nagbabasakali akong Makita ko sila Claudine dito.

Malapit na ako sa may covered court nang sitio Taytay nang marinig ko ang mga sigawan doon mukhang may laban nang basketball agad naman akong lumapit sa mga manonood medyo crowded na kaya hindi ako makapanood nang maayos.

"Mikaela! " may sumigaw sa pangalan ko kaya napatingin ako sa may bandang kanan ko.

Napa-ngiti ako nang sila Claudine pala iyon at kinakawayan nila ako na lumapit sa kanila sabay turo sa bakanteng pwesto malapit kay Cherry kaya mabilis akong lumapit sa kanila at umupo doon.

"Pupunta ka pala dito dapat nagtext ka!" sabi sa akin ni Anna nang makaupo na ako doon.

"Hindi ko naman alam na meron ganitong event dito." Sabi ko naman sa kanya at itinuon ang attensyon ko sa panood.

Mag-sasalita pa sana ito nang biglang tumili si Melay na nasa tabi nito at may dala pa talagang plastic bottle nang 1.5 na coke.

"JOSIAAAHH! I-SHOOT MO YAN!" Sigaw pa nito.

Napakunot noo ako nang mapansin ko na kaibigan pala ni Gio ang mga naglalaro ngayon naka black and white jersey sila at may print nang Lion's Head at may TAYTAY sa ibaba noon at nakatatak ang mga apelyido nila sa likod.

"Ano ba ito baranggay Fiesta?" tanong ko kay Cherry.

"Hindi Fiesta to nang buong Aganon at tsaka tapos na yung baranggay fiesta no!" sagot naman nito.

"Huh? Tapos na ba yung baranggay fiesta?" tanong ko.

"Oo! Alam mo nung first meeting natin yun ang baranggay fiesta!" sagot nito at tumili din nang may player na nakashoot.


"Di ba meron naman sports complex dito? bakit hindi iyon ang gamitin nila?" tanong ko sa kanya.



"Under renovation." tipid na sagot nito.



Napatango lang ako sa kanya sabay takip sa tenga ko mabibingi yata ako dito buong basketball game.Nagkakainitan na ang mga manlalaro nang mag-time out ang grupo nila Josiah mukhang nahihirapan ang mga ito dahil lamang ang kalaban nila.

"Ano ba yan! Mukhang matatalo si Josiah wala kasi si Gio!" inis na sabi ni Claire sabay tungga nito sa iniinom niyang mineral water medyo nabasa pa niya ang t-shirt niya.

"Bakit ba kasi wala yang si Gio?" tanong naman ni Liza at tinignan si Melay.

"Wow ha!? Ako pa talaga tinignan mo?" inis na sabi nito at nag-sitawan naman kami.

Untamed Dove (PS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon